Lexus’s POV
Siguro nga sa lahat ng desisyon na ginawa ko, itong huli lang ang alam kong naging komportable ako, dahil siguro alam kong tama ito, at wala akong pagsisisihan sa mga ito. Gusto ko na nga talaga si Meana at handa na akong pakawalan ang nakaraan ko.
“Sophia Ashley Ferel handa na kitang pakawalan” [sabi ko sa sarili ko]
Matapos ang gabing yun ramdam ko sa sarili ko na komportable na ako… komportable dahil nasabi ko na lahat ng gusto ko kay Meana, hindi ko din alam kung bakit nagustuhan ko siya pero siguro nga ‘love is unpredictable that even the worst person on earth can make you fall’.
Papunta ako ngayon sa isang bar, hindi para mambabae, kundi para makipag-inuman lang sa mga dating kaibigan ko, dahil simula nung naramdaman kong tumibok ng mabilis ang puso ko para sa babaeng yun hindi na ako nagka-interes sa ibang babae.
After some minutes nakarating na din ako sa Inferno Club kung saan kami magkikita-kita, pero wala pa rin ang mga kasama ko kaya umupo muna ako sa isang table na pang dalawahan habang hinihintay ko yung mga uguk kong kasama.
Nagulat ako nung biglang may nag-bagsak ng bote ng alak sa harap ko, kaya napatingin naman ako sa taong gumawa nun, pero nagulat ako nung ang taong nasa harap ko ay ang taong kinamumuhian ni Meana, ang taong nanakit sa babaeng gusto ko at ang taong walang kwenta na ng iwan sa babaeng dapat hindi sinasaktan… Si Kyle Andrei Villanueva
“hey! Your Meana’s new guy right? Haha” [sabi niya]
“….”[hindi ko siya inimikan dahil baka makita nito ang demonyong side ko]
“hahahaha, I’m way better than you dude! I’m more handsome than you are! Haha” [sabi niya]
“back off, stupid ass, continue speaking or else… you’ll see hell” [banta ko sa kanya]
“Dude! I’m not drunk… so how is Meana… being with you?”
“shut the fuck up!”[sigaw ko sa kanya]
“why? Did Meana dumped you? Hahaha what a pathetic doggy pants”
Sa sinabi niyang yun dun na nagdilim ang paningin ko at doon ako napatayo at sinuntok ang gagong nasa harapan ko. Ayokong manakit ngayon, pero tinulak ako ng gagong ito para gawin yun.
“Woah… what was that for?” [sabi niya]
“Gago ka pala eh! iniwan-iwan mo si Meana tapos magtatanong ka kung kamusta na siya? Gago ka pala!” [sabi ko ng pasigaw]
Nagtinginan na ang mga tao sa Club sa aming dalawa, dahil sa lakas ng suntok ko tumumba siya sa sahig at dumugo yung labi niya, tumayo siya at pinunasan ang labi niya, tumingin siya sa akin at ngumiti.
BINABASA MO ANG
When the LOVE of the Wrecker Strikes
RomanceMeana Alexandra Rafael, She's definitely cruel when it comes to relationship. She's the number one Relationship Wrecker in their university, she hates falling in love. Lexus Alexander Hendrix, A player of every girls heart, he hates to be serious an...