Chapter 14 "Some Night Phone Calls"

49 9 0
                                    

Lexus’s POV

           

            Nag-drive na ako pauwi dahil baka mapaiyak nanaman ako ng kapatid kong yun… hays kahit alam kong nasa magandang lugar na yun, hindi ko pa rin maisip na wala na siya, miss na miss ko na din naman yung kapatid kong yun.

            Pag-uwi ko kumain lang ako sandali at nahiga na din, napagod siguro ako ng sobra sa mga klase ko ngayon, pero pag-naiisip ko yung nangyari kanina? Hmmm masasabi kong napapangiti naman ako kahit papaano, because I never expected that Meana will be that friendly, parang wow dude bilis naman yata niyang mag-bago? Pero kahit na ganun pa man, masaya ako dahil unti unti na siyang nagbabago.

            Nagising ako about 9:00pm naisipan kong mag-movie marathon mag isa, dahil wala naman sina Mama at Papa, ako muna yung nandito sa bahay, may katulong din naman kami syempre hindi naman kasi ako marunong sa mga gawaing bahay, so yun nga nagpaluto lang ako ng hotdogs at wheat bread lang ang kakainin ko haha, isinalang ko yung CD ng The Proposal ni Sandra Bullocks maganda yung movie dahil nainlove yung secretary niya dun sa boss niya by an accident, ang boss niya ay masyadong strikto at workaholic hanggang sa one day they need to be a couple so yun nagpanggap sila but in the end they live happily ever after. Hays naalala ko nanaman si Ashley kailan kaya siya babalik? Lagi na lang bang ako yung iniiwan? Pero I wish she will be here for me. Mahal na mahal ko yung babaeng yun kahit napaka-hinhin nun, masyado siyang understanding pero selosa siya ng konti, those personality that she have is the one who catch my heart. If only I can go back to the past at sana hindi na lang pumunta sa mall ng araw na yun, pero I’m still curious on Meana’s past bakit naman kaya niya ginawa yun? But to think again siguro may malaking problema yung babaeng yun that I’m hoping and willing to know.

            After kong manuod humiga na ulit ako sa kama ko at nag soundtrip na lang, hanggang sa maalala ko na may number na nga pala ako ni Meana, kung tatawagan ko kaya siya bigla na lang niya akong sisigawan at papatayan ng telepono? O kaya naman baka sabihin niyang nang-iistorbo ako at tulog na siya? Pero sige na nga tatawagan ko na kasi baka hindi naman niya number itong binigay niya sa akin, tapos niloko lang pala ako (-_-)

            Sinimulan ko ng tawagan nakailang ring pero walang sumasagot, siguro nga tulog na itong babaeng ito, sige one last try pagwala talagang sumagot baka tulog na ito. Hanggang sa narinig ko na lang na may naghe-hello sa kabilang linya at kilala ko ang boses na yun.

“hello?”

“ah… eh… he-hello?”[sabi ko]

“ui! Lexus ikaw pala musta? Anong kailangan mo?” [sabi niya]

“kausap lang ang kailangan ko”[sabi ko]

“hmm… hindi ka siguro makatulog ano?”

“ah naistorbo ba kita? Pasensya na kung ganun sige papatayin ko na lang ito”

When the LOVE of the Wrecker StrikesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon