Lexus’s POV
I was driving my car papuntang University. Kakabagot namang walang gawin sa araw araw kundi paulit ulit na pag-aaral, pag-iinom, at pambababae lang kainis gusto ko ulit asarin at inisin yung babaeng yun! Eh bakit ba naman kasi naawa pa ako? pwede namang hindi na diba? Tsaka malaki pa din ang utang nung babaeng yun!
Nakarating na ako sa parking area ng University, after several minutes nakapag-park na din ako pero bago ako bumaba ng kotse ko may napansin lang akong kulay pink na kotse na katapat ng sasakyan ko at alam ko na kung kanino ito, napangiti na lang ako ng wala sa oras at napagisip-isip na kung asarin ko na lang kaya ang masamang ugali na babaeng yun at wag na lang sirain ang buhay niya? Pwede naman diba? Tsaka tinigilan na din na yata ako nung Meana na yun eh, pero siguro conclusion ko lang yun.
Naglalakad na ako sa papuntang Egineering Dept. nung makarinig ako ng bulung bulungan ng mga babae dito sa may Business Dept.
“huy girls narinig niyo na ba?” [babae1]
“huh? Ang alin?” [babae2]
“si Meana daw at yung si Jefferson Grey yung dating nerd? Magkasama daw ngayun! At ang sweet sweet pa daw nung dalawa!”[babae1]
“eh diba hindi naman tumatanggap ng manliligaw si Meana? Baka naman dinagdagan mo lang yan ha! At pag nalaman ni Meana na ikaw ang nagpakalat niyan patay ka dun!”[babae3]
“eh hindi naman ako ang nagkalat! Nakikita mo ba yung nasa Daily News Board! Nakalagay silang dalawa dun!” [babae1]
“eh? sige tingnan natin!”[babae3]
“eh nakita mo na ba si Meana at Jefferson Grey?” [babae2]
“oo nakita ko sila nasa may University Football Field sila magkasama nga sila nung lalaki eh!”[babae1]
“naku! Baka yung Jefferson Grey na yun ang makakapagpabago kay Meana!” [babae2]
Hindi ko na tinapos ang pinag-uusapan nila at naglakad na lang ako sa may palibot ng University pero tsaka ko na lang na-realize na dinadala na pala ako ng mga paa ko sa UFF (University Football Field). Doon ko nakita ang dalawang tao na nag-aaral, mag-katabi at sa tingin ko ay nag-rereview? Malayo pa naman ang preliminary exams ah? Bakit ang bilis nila mag-aral? Ano ito lokohan? Nag-gagaguhan lang yata sila jan eh!
Teka nga bakit ba ako naiinis? Wala siguro hindi lang talaga maganda ang gising ko kanina. Sa hindi malamang dahilan naglalakad na pala ako patungo sa kanilang dalawa. Nakita ko yung lalaking Jefferson Grey na nakatingin na sa akin, si Meana naman naka-focus pa rin sa binabasa niya, nung makarating na ako sa harapan nila, bigla naman tumunghay si Meana at pagkakita niya sa akin ay bigla niya akong inirapan (-_-) tiningnan nung lalaki si Meana at parang tinatanong kung sino ako. Aba! Gago itong lalaking ito ah! Ako pa hindi kilala?
BINABASA MO ANG
When the LOVE of the Wrecker Strikes
RomanceMeana Alexandra Rafael, She's definitely cruel when it comes to relationship. She's the number one Relationship Wrecker in their university, she hates falling in love. Lexus Alexander Hendrix, A player of every girls heart, he hates to be serious an...