Chapter 15 "Dealing with Her Best Friend"

47 9 1
                                    

Meana’s POV

            Ngayon na nga pala yung lakad namin ni Lexus, ewan ko ba sa mokong na yun, bigla bigla na lang nag-yayaya na mag-hangout (_ _)? Tapos isinigaw pa, medyo nahiya naman ako ng konti dun, lol, sige guys oo medyo nagbago na ako pero hindi pa rin naman maaalis sa akin na maging mataray at medyo maging bitter sa lahat ng bagay, nagiging friendly na ulit ako, kasi sabi ni Angge ngumiti daw ako sa tao, tapos pagngumingiti naman ako sasabihan ako ni Jefjef na ang plastic daw ng ngiti ko kaya mas natatakot yung iba (-_-) eh wag na lang kaya ako maging friendly?

*vibrate* vibrate*

(Jefferson Pogi Calling) – siya yung naglagay niyan dahil pinaltan niya (-_-)

“hey Meana!” [panimula niya]

“oh?”

“antaray naman ng bestfriend ko! Haha”

“ano pong kailangan niyo? Ang aga aga pa po 7:00am pa lang eh (-_-)”

“gala tayo wala naman tayong pasok ngayon eh” [sabi niya]

“naku may lakad na ako! Hehe”

“saan naman? Pwede ba akong sumama? Sinong kasama mo?”

“andami mo namang tanong eh, hindi ko din alam kung saan kami pupunta siya naman ang magde-decide, tsaka ewan ko lang kung pwede kang sumama, hindi yata pwede…”

“hah? Bakit naman hindi? Eh best friend mo naman ako, buksan mo na yung gate andito na ako sa tapat ng bahay niyo”

“huh?! Bakit ka nandito? Makikikain ka nanaman?!”

“parang ganun na nga! Hehe!”

“Che! Bahala ka jan!”

“dali nanaman Minmin, please please”

“osige na! waits pababa na ako”

“okay bye!”[sabi niya]

(end of phone conversation)

            Bumaba na nga ako at nakita ko sa may gate ang napaka-gwapo kong bestfriend, hehe, bakit nga ba naging gwapo ito eh ang pangit pangit nito nung bata pa kami? Tsaka nerd ito nung nasa school kami ah? Weird ang bilis naman yata magpa-pogi nito?

“Minmin matutunaw na ako (.//////.)”

When the LOVE of the Wrecker StrikesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon