Chapter 9 "Plans for Her Forgiveness"

50 9 1
                                    

Lexus’s POV

            Grabe talaga ang tapang nung babaeng yun! Naku kung hindi ko lang alam na mabait talaga yun! Tsk (-_-) ano nanaman bang iniisip ko? Pero nakita ko naman lahat eh, nakita ko yung pagsampal niya dun sa Jefferson ba yun? Siya siguro yung lalaking nanakit kay Meana pero pakialam ko ba? Hindi ko na nga pinapakialaman si Meana ngayon siya pa kaya? Mga walang kwentang tao hays.

            But her eyes… nakita ko yung mata ni Meana kanina, even though it doesn’t have tears on it I can see the sadness in her eyes, I guess she is longing for something dahil nung tinitigan niya ako kahit na galit na galit yung itsura niya, hindi mo maitatago sa mga mata niya kung gaano siya kalungkot. I was about to enter the elevator when I saw her, I saw Meana inside, napatigil ako saglit dahil nagkatitigan kaming dalawa, ano pa bang magagawa ko pumasok na din ako sa loob.

(**_) à siya yan (-_-) à ako naman yan

            Wala namang umiimik sa amin sa loob pero nakita ko sa reflection ng salamin sa gilid ko ang mukha niya, she’s really sad. Sorrow and pain is in her eyes hindi ko alam kung bakit pero some side of me ay naaawa sa kanya pero may side din naman na natutuwa dahil kahit wala akong ginagawa sa kanya ay si karma na lang ang gumagawa sa akin. Pero kahit na! ayokong maawa sa kanya, nag-open na sa floor na pupuntahan ko, nakalabas na ako sa elevator when I decided to look back, then as I look back parang gusto kong bawiin lahat ng sinabi kong natutuwa ako sa kanya dahil nasasaktan siya ngayon, dahil sa nakita ko sa mga mata niya isa lang ang masasabi ko, nasasaktan siya ng sobra.

Jefferson’s POV

            I didn’t expect that I will hurt Meana that much, hindi ko alam na sobra pala siyang nasaktan dahil sa pag-alis ko pero hindi ko din naman masisisi si Meana dahil unang una palang hindi ko tinupad yung pinaka-unang promise namin as best friends, hindi ko naman talaga ginustong umalis  dahil alam kong sa pag-alis kong yun may importante akong taong maiiwan at yun ay si Meana.  Madami naman akong kaibigan nung bata ako dahil hindi katulad ng ibang nerd na walang kaibigan at puro pag-aaral lang ang alam, ako kahit pulaan pa nila ako makikisama parin ako para mag-gain ako ng kaibigan, pero nung nakilala ko si Meana at naging kaibigan, sinabi ko na sa sarili ko na “magiging mag-bestfriend kami nito” dahil katulad ng ibang bata napapaiyak niya din ako pero alam ko kung bakit niya ginagawa yun dahil she’s longing to have a friend and as I came to her life doon ko lang nakita sa mga mata niya how happy she is to find one, lagi ko kasi siyang nakikita noon sa playground nag-iisa at nung maging magkaibigan na kami ako na lagi yung kalaro niya. Hehe pero one day iniwan ko din siya dahil sa isang importante daw sabi ng Mama ko pero after arriving in California doon sinabi ni Mama na we are going to stay there for good gusto ko naman talaga mag-paalam noon kay Meana eh, pero sabi naman ni Mama babalik daw kami after 1 week, pero as I’ve said hindi na kami bumalik at nag-stay na sa California for good.

            Nung nasa California na ako wala namang pumapansin sa akin pero isa lang ang naging kaibigan ko dun, kahit na may kaibigan ako sa California wala parin akong makitang kagaya ni Meana.

When the LOVE of the Wrecker StrikesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon