Chapter 1Tama nga sila sa kasabihang 'kayang mabago ng isang simpleng pangyayari ang takbo ng buhay mo'
Sa isang iglap. Sa isang kisap mata. Lahat magbabago.
"Oh Bree! Pano ba yan, libre mo kami mamaya?" ngising saad ni Alison Habang tinatanaw mula sa pagkakaupo nya sa desk ang hawak kong test paper.
Napabuntong hininga ako at binalik ang atensyon ko sa resulta ng geometry exam namin kanina.
I didn't even made it to the half score.
"Wala ng bawian yan Briella ahh" sabat pa ni Riley na syang nakakuha ng pinaka mataas na score sa buong klase.
Napatingin naman ako kay Rica na nananahimik lang sa tabi pero nakikinig din sa usapan namin. She also got a high score.
May usapan kasi kaming apat na kung sino ang may pinaka mababang score sa exam na ita-take namin ngayong araw ay syang manlilibre.
I didn't even know it will be a geometry. If I knew it earlier I wouldn't have dare to compete with them.
Natural na kong mahina sa mathematics. Okay lang sana kahit passing score man lang. Pero hindi pa nga umabot kahit napa hapyawan ko naman ng review lahat ng subjects kagabi.
Wala na akong magagawa. Mukhang ako talaga ang manlilibre mamaya.
Alison, Riley and Rica were my grade school best friends. Mag mula noon 4th grade ay naging magkaklase na kami palagi hanggang ngayong junior high. Kaya halos hindi kami naghihiwalay.
Tradisyon na din naming apat na sa tuwing may mga quizzes and exams ay manlilibre ang may pinaka mababang score. It's for fun na din pero ang pinaka main purpose nito ay para ma-motivate kaming mag aral ng mabuti para makakuha ng mataas na scores.
Good thing we never see this stuff as a competition. That's friendship, we compete with each other to grow with each other. Not the other way around.
Si Alison ang naka isip ng bagay na ito. Sa aming apat sya talaga ang may pinaka malawak ang utak. Marami syang naiisip na pakulo na kadalasang humantong sa principal's office lalo na nung elementary kami.
Si Riley naman ang pinaka matalino sa amin. Effortless sya pagdating sa mga exam pero kadalasang sya parin ang nakakakuha ng highest score.
Among the four of us, she's the most outgoing person. Though she has an attitude not everyone can blend up to.
Samantalang si Rica ang kabaliktaran ni Riley. She's a shy girl, an introvert. But despite of that, she's also smart. Bonus pa na maganda sya.
She doesn't like to talk that much especially to others. Sa amin lang sya nakikihalubilo.
And here I go. Briella Saylor. My family and friends used to call me Bree. Riley is the only one who calls me in my whole first name.
When it comes to physical appearance, masasabi ko na mas malaki akong tingnan kumpara sa tatlo kong kaibigan. Hindi ako mataba, hindi din payat. Just an average body. And I think I like it that way.
I'm like any other teenage girl out there who loves music. The raindrops streaming down the windows and the cloudy sky which I found relaxing.
I can do almost everything, but doesn't excel with anything. Yeah, that's me.
Pagpatak ng 6:30 pm ay bukas na ang mga street lights. Nagsisimula na ding bumaba ang araw. Naglalabasan na ang mga estudyante ng pm session.
"Shawarma tayo ngayon!" masiglang saad ni Riley habang nakapulupot sa braso ni Rica. Katabi ko naman si Alison at sabay sabay kaming naglalakad sa kalsada.
BINABASA MO ANG
The Nightwatch
Mystery / ThrillerLittle did I know how a mere watch could alter my prosaic life into a tangled one and unveil secrets that were kept concealed from me for a long time. Date Started: December 17, 2019 Date Finished: May 29, 2020 Completed✔️