17
Hindi ako na-informed na private resort pala ang patutunguhan namin. Kaya buong byahe ay naiisip ko na may makakasalamuha kaming iba.
Pero pagdating namin doon ay napanganga na lang ako sa sobrang laki ng buong bahay. Basically it's like a house which has a very luxurious and modern interrior designs.
Mag aalas-dose na ng makarating kami dito. Sa pinto palang na kulay beige ay alam kong hindi lang ito isa sa mga ordinaryong lugar na makikita ko. May nagbukas na katulong sa pinto at nakapasok na ang aming sasakyan.
Pagpasok palang ay bubungad ang malawak na parking lot at sa unahan ay nandoon ang main entrance which is a huge steel French door. Kitang kita mula sa salamin nito ang loob ng bahay. Pinark muna ang sasakyan bago kami nagsi-babaan.
Beverly got a good sleep along the way kaya hindi na sya masyadong beast mode. Tristan here is like a child na sabik na sabik malibot ang kabuuan ng lugar. I doubt that. We're too tired to have a tour.
Kinuha na namin ang kanya kanya naming bag sa trunk ng van pero si Beverly na ang kumuha ng amin.
"Welcome to Owen's House Resort" saad ni Wade nang papasok na kami sa loob."Holy crap! This is insane!" sigaw ni Tristan nang makatapak na kami sa loob ng bahay. Napaka-laki nga nito at sumisigaw ng kayamanan ang bawat sulok ng bahay ba ito. Sa sobrang laki nito ay wala akong idea kung paano ilalarawan ang nakikita ng mata ko.
The main entrance lead us to a second floor that is divided into two separate hallways. May dalawang grand staircase pababa sa ground floor at doon ko din nasisilip ang bughaw na tubig ng pool.
Hindi na nakapag-pigil si Tristan at dali dali niya kong hinila pababa para makita ang pool. Madulas ang sahig at mabuti nalang hindi ako nadudulas sa paghila na ginagawa sa akin ng lalaking ito.
"This is so beautiful, Bree" manghang-mangha niyang saad. Napa-iling nalang ako sa pagkilos ni Tristan. Pagbaba mo sa staircase ay bubungad sayo ang breakfast hall na tinatawag nila. May malaking counter at kusina at sa gilid nito ay ang mga pabilog na tables.
Sa unahan lang din ng breakfast hall ay ang living room kung saan kapag umupo ka sa sofa ay tanaw mo na ang pool at ang mapunong kapaligiran nito. May TV din na naka-kabit sa dingding.
Lahat kami ay dumiretso upang tingnan ng mabuti ang pool. Napaka-ganda nito dahil may mga ilaw sa ilalim ng tubig. Sa gilid naman ng pool ay may mga lounge chair at towels na naka-ready.
"Bukas na tayo mag-tampisaw diyan at magpahinga na muna tayo ngayon." suhestyon ni Nay Matilda na hindi na namin inangalan pa.
Muli kaming umakyat sa pinanggalingan namin at tinahak ang left hallway and to our surprise may isa pang kusina dito at may mga pagkain na naka-hain sa katabi nitong mesa.
"This is like living my dream" bulong ni Beverly na nadinig ko.
"May kakain pa ba sa inyo?" tanong ni Wade pero nag-ilingan kami. Hindi pa kami naghahapunan sa sobrang excite namin pero it's too late to eat a heavy meal kaya naisipan namin na bukas nalang.Sa tabi ng kitchen ay dinala kami nito sa bar section ng bahay kung saan makikita mo ang iba't ibang uri ng alak.
"This is heaven" ngising saad ni Tristan na tumahimik ng siniko ni Nay Matilda.Sa unahan nito ay panibagong living room nanaman pero wala nang TV dito. The glass walls will let you see the beauty of the night sky and trees outside. Lumabas na kami dito at tinungo na ang right side ng hallways kung saan naroroon ang mga kwarto na tutulugan namin.
Napakamot ako ng ulo ng dalhin nanaman kami nito sa malaking sala kung saan may pabilog na sofa at malaking TV na nasa dingding. Nakapalibot din dito ang limang kwarto na meron ang buong bahay.
BINABASA MO ANG
The Nightwatch
Mystery / ThrillerLittle did I know how a mere watch could alter my prosaic life into a tangled one and unveil secrets that were kept concealed from me for a long time. Date Started: December 17, 2019 Date Finished: May 29, 2020 Completed✔️