22
Nangangatal ang kamay ko habang binabasa ang dalawang papel na natira. They're all DNA test results from my family.
And it turns out that they're not my real family if this goddamn Dna reports are true.
Nabitawan ko ang mga ito dahilan kung bakit sila nagkalat sa sahig ng kwarto ni Wade. Walang luhang lumalabas mula sa aking mata. Wala akong nararamdaman ni katiting na sakit. I can't feel anything rather than being numb. My whole system seems to shut down. Even my mind can't process properly what I just saw.
Bumukas ang pinto mula sa banyo na nasa kwarto na ito. Tumambad sa akin si Wade na bagong ligo. He's wearing a black sando and water's still dripping from his wet hair as he dries it with a white towel.
For a moment hindi siya naka-galaw nang nakita niya ako at ang mga papel na nakakalat na sa lapag. Hindi ko siya tinitingnan. I remained my head looking down. Hindi ko kayang salubungin ang mata niya.
But he started to move once again. Agad niyang pinulot ang mga papel na nag-sampal sa akin ng isang bagay na hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan.
"Bree, what are you doing here?" agad niya itong binalik sa loob ng brown envelope at itinabi kung saan na tila inaasahan niya na sasakyan ko ang pagpapanggap niya.Akma niya akong hahawakan pero umiwas ako at sa pag-iwas ko ay nawalan ako ng balanse ay napa-upo sa kama niya. Then I thought my whole system went numb. But I was wrong cause I just realized, every single part of me aches so bad that my mind started to trick me.
"Is that really true?" i asked without looking at him. I remained looking down though I should look up to prevent myself from crying. Kung kanina ay tuyong tuyo ang mata ko, ngayon naman ay hindi nanaman magkanda-ugaga ang mga luha ko sa pag-uunahan na makalabas mula sa aking mata.
Do my tears hate it so much to be inside my eyes that they always wanted to go out badly?
I can sense Wade doesn't know how to response. I know what I saw was supposed to be a secret pero dahil hindi niya inaasahan na malalaman ko ay hindi niya napaghandaan kung ano ang sasabihin sa akin.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko o kung paano ko mailalarawan ang nararamdaman ko. Sa sobrang sakit kulang ang mga salita para maihayag ito ng lubos. Pilit akong tinatapakan paibaba ng mundo. Ubos na ubos na ako.
"B-bree" this is the only time that him calling my name started to irritate me.
"Don't touch me! Just answer my question, Wade. Totoo ba?" tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa kama pero lumayo ako sakanya. This time nakatingin na ako sa mukha niya at hindi na ito maipinta.Akma na sana siyang sasagot pero naduwag ako. Natakot ako na marinig kung ano talaga ang totoo. Natatakot akong malaman na ang bagay na pinaniwalaan kong totoo sa loob ng maraming taon ay siyang kabaliktaran nito.
Siguro ayoko lang na muling magising sa panibagong realidad na alam kong hindi ko kakayanin. Kaya mas mabuti nalang na hindi marinig ang katotohanan. Mas mabuti nalang na patuloy na mabuhay at paniwalaan ang nakasanayan. Kahit sa dulo ng ating isip ay alam natin na hindi ito ang katotohanan.
Tumakbo ako palabas ng kwarto ni Wade at pababa ng hagdan. Nagmadali ako sa pagdaan sa kusina at dumampot ng kutsilyo bago tumuloy sa gate sa labas. Lahat ng mga nagbabantay doon ay hindi inaasahan ang presensya ko.
Itinututok ko sa aking leeg ang matalim na kutsilyo habang mariin na nakatitig sa bawat isa sakanila. Pilit nagpapaka-tapang kahit naliligo na ang pisngi ko sa bagyo ng aking mga luha.
"One of you will give me his gun or I will slit my throat." I didn't even recognize my own voice the moment it came out from my mouth. Maybe pain could really turn you into a different person.
BINABASA MO ANG
The Nightwatch
Mystery / ThrillerLittle did I know how a mere watch could alter my prosaic life into a tangled one and unveil secrets that were kept concealed from me for a long time. Date Started: December 17, 2019 Date Finished: May 29, 2020 Completed✔️