WHERE IT ENDS

5 0 0
                                    

27: EPILOGUE

Almost 7 pm when we felt hungry kaya muli kaming bumaba ng siyudad upang kumain.
"What do you wanna eat?" tanong ni Wade mula sa driver's seat.

I'm hungry but I'm sure I don't want to eat heavy meals. Gusto ko lang yung mabubusog ako pero hindi mabigat sa tyan.
"Maybe burgers? Or hotdogs? May nagtitinda ba non dito?"

Parang wala pa akong nakikitang burger shop sa daan.
"We can find anything on the market."

By the market I thought na makikipag sapalaran kami sa mataong lugar pero nang dumating kami doon ay malinis at hindi na masyadong tao. Siguro dahil gabi na din. Maayos na naka-gilid ang mga nagtitinda at malawak ang space para sa mga mamimili.

This city is really disciplined. Iniwan namin ni Wade ang sasakyan sa parking lot sa unahan bago kami naglakad sa kahabaan ng malinis na palengke.

Tama nga siya, halos lahat na ata matatagpuan namin dito. Nadaanan namin ang section ng palengke kung saan nagtitinda sila ng mga karne. Pero dahil dry market ito ay malinis talaga ang paligid.

Maraming mga gulay at prutas ang pagpipilian. And finally sa dulo ay dumating kami sa lugar kung saan magkakatabi ang mga street foods. Isa sa mga stall don ang nagtitinda ng burgers.

"I want mine with cheese." saad ko habang hindi na maalis sa pinipritong patty ang aking paningin. Nakakatakam silang panuorin maluto.

"I want mine to be plain." saad din ni Wade. Napatingin ako sakanya.
"What?" tinaasan nanaman niya ako ng kilay. Parang kanina lang ang sweet sweet niya pa tapos ngayon sinusungitan nanaman niya ako.

"You don't like cheese?" mapang-husga kong tanong sakanya. He wouldn't love cheese? They're one of the best things in this world.

"Stop with your judgemental look. I just preferred my burger to be plain." marahan niyang tinulak ang noo ko. His taste is weird. Pero nag-focus nalang ako sa paghihintay na maluto ang burger namin.

When it's done I bought a lemon juice at mapayapa naming binaybay ang daan pabalik. Wade found another way to go back to the parking lot without walking to the market again.

It's a road na wala ng masyadong dumadaan dahil gabi na. The street lamps made us feel safe and comfortable as we roam around. I bet mas konti ang population ng city na ito compare sa iba. Napaka tahimik kasi at maayos.

Nalingon ko si Wade na nahuhuli sa paglalakad.
"Kanina ka pa tahimik." pagpuna ko sakanya. Nakakalahati ko na ang burger ko pero ubos ko na kaagad ang lemon juice.

Nauuna talagang maubos ang inumin ko kesa sa pagkain.
"Sinubo ko kaagad ang init pala." natawa nalang ako nang mukha siyang nalugi. Sa bango ba naman ng burger na ito ay mahirap na hindi kagatin kaagad.

I kiss him on the cheeks bago ako muling nauna sa paglalakad. Inubos ko na ang kinakain ko pero dahil nga mas naunang naubos ang inumin ko ay nakakaramdam ako ng uhaw.

Nilingon ko si Wade upang magsabi sana pero naka-hinto na siya sa paglalakad at seryoso siyang nakatitig sa akin. A sudden heart ache built up inside me. I've been doing my best to avoid him from confronting me about something.

Pero sa tingin ko ay gusto niya talaga itong sabihin sa akin. Naglakad ako pabalik sakanya.
"Dalian na natin bumalik, let's get water nauuhaw ako."

Hinawakan ko ang kamay niya at hinila na siya para magpatuloy sa paglalakad. Naubos na din niya ang kinakain niya tulad ko. Pero hinila lang din niya ako pabalik at nakatayo ako sa harapan niya habang seryoso siyang nakatingin sa akin.

"Wade, anong problema?" hindi ko na napigilan na bahagyang malungkot. His stares got softer and I knew there's something he really wants to say.

"Are you bothered sa pag-alis natin bukas? Hindi ka ba excited? Ako kase excited na eh." I tried to wipe off the intense atmosphere building up. I circled my hands to his forearm and force my voice to sound as happy as I could be.

The NightwatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon