Chapter 6.
Maaga akong nagising kinaumagahan. Mabigat ang pakiramdam ko. Nakakaramdam padin ng pagsakit ang ulo ko. Ang mga mata ko'y namamaga dulot ng pinaghalong puyat at pag iyak.
Nanunuyo ang labi ko dulot ng kakulangan sa tubig. Pagtayo ko ng kama ay nakaramdam ako ng masidhing pagkahilo at panghihina. Hanggang sa naalala ko na hindi ko nga pala ginalaw ang pagkaing hinain sa akin kagabi. Hindi pa nalalamanan ang tyan ko simula ng kumain ako ng kakarapot kahapon ng umaga.
I'm about to open the door when Beverly appeared infront of me.
"Buti gising ka na. Maaga pa pero may gagawin tayo ngayon" she sounds excited and I wonder why is that.She grabs my arm and cling into it as we scrample to the kitchen.
Nadatnan namin si Nay Matilda na kaharap ang kasalukuyang nagluluto. Nang narinig nya ang pagdating namin ay napalingon sya.
"Mabuti naman at gising ka na iha. Maligo ka muna para mahimasmasan ka. Paglabas mo handa na ang almusal" nakangiti nyang saad.
Binati naman ako ni Tristan ng isang ngiti at bumalik din sa pagce-cellphone nya sa mesa.
Beverly ushered me into the bathroom.
"Katulad padin ng kahapon. Ligo ka muna bago natin lilinisin yung sugat mo"Nang matapos akong maligo ay linisan ulit ni Beverly ang sugat ko. She handed me a bathrobe after.
"Isuot mo muna yan kase kakain muna tayo bago ka mag ayos" paliwanag ni Beverly.I feel awkward to wear a bathrobe while eating with people I just met yesterday. Kahit nga ako noon hindi ko pa nasusubukang kumain na bathrobe lang ang suot.
But I have no energy to argue. So we went back to kitchen, me wearing the robe.
Katulad nga ng sabi ni Nay Matilda, nakahanda na ang pagkain sa mesa. Hindi ito ang normal at nakasanayan kong nakikitang pagkain sa mesa tuwing umaga.
My mom usually cooks egg, bacon, a ham or hotdogs during breakfast. But the table's right now are filled with vegetable dishes, green leaves and the absence of rice is not subtle. In addition, fruits served on the table add to the colorful sight.
"Maupo na tayo at kumain. Oh, bakit iha? May problema ba? Hindi ka ba kumakain ng gulay?" umupo na ko katabi ni Beverly. Umiling naman ako sa tanong ni Nay Matilda.
"Uhm hindi naman ho. Nagulat lang ako na puro gulay at prutas ang nakahain" I'm unsure whether she even heard me answered with that low voice of mine.
"Pasensya ka na iha. Kailangan mong masanay dito. Si Ms. Wendy talaga ang nagsabi na dapat puro masusustansya ang kainin namin para maging malusog. Huwag kang mag alala at hindi naman puro gulay ang pagkain dito. Makakatikim ka din ng mga karne at isda" napatango nalang ako sa sinabi ng matanda.
"Masasanay ka din. Kahit ganyan yan masarap naman yan" bungisngis ni Tristan sa katapat na upuan. Katabi sya ni Nay Matilda.
Bago kami kumain ay pinangunahan muna ni Beverly ng isang maikling panalangin ang aming almusal.
Unang beses kong makakain ng walang kanin sa buhay ko. Kahit na masarap at nabusog naman ako sa kinain ko ay hindi parin nito mahihigitan ang almusal na inihahanda ng nanay ko tuwing umaga.
My body's stiffen for a moment in the thought of not having any meal cooked by my mom for the rest of my life. She was the best cooker for me.
Matapos kaming mag almusal ay pinabalik na kami ni Nay Matilda sa kwarto, "Beverly iha, ayusan mo na si Briella sa kwarto. Ako na bahala dito"
Beverly told me to use the blower to dry my hair quicky. So I sat infront of the dresser and blow my hair.
"Marami akong mga damit na pwedeng mong masuot. Panigurado naman akong isa sa mga araw na ito ay pagsho-shoppingin tayo ni Ms. Wendy para sa mga damit mo" natatanaw ko si Beverly mula sa salamin na naghahalungkat sa closet at naglalabas ng mga damit na naka hanger.
BINABASA MO ANG
The Nightwatch
Mystery / ThrillerLittle did I know how a mere watch could alter my prosaic life into a tangled one and unveil secrets that were kept concealed from me for a long time. Date Started: December 17, 2019 Date Finished: May 29, 2020 Completed✔️