"MA'AM, HINDI PO KAYO PWEDENG PUMASOK MA'--" wala akong pakialam sa pakiusap ng sekretarya ng demonyo na pumipigil sa pagpasok ko sa conference room kung nasaan naroon ang amo nito. Natagpuan ko ito na nakatayo sa harapan ng mga kapatid nito at mga asawa at nobya ng mga ito na tila may diskusyong nagaganap doon ngunit wala akong pakialam at nagtuluy-tuloy sa paglapit dito na tila inaasahan naman ng demonyo dahil tinanguan nito ang pobreng sekretarya nya at lumabas ito.
"What is that bitch doing here?!" Dinig kong Gigil na tanong ng kapatid nitong si Clover Yvangelin. Sa kanilang lahat dito lamang ako may konting respeto. As in konti lang dahil kahit papaano ay niligtas nito ang buhay ko noong iniwan ako ng demonyo sa operation ko noon! Wala naman akong planong pakialaman ang babaeng ito noon sa isla but when I saw Hades coming, kumuha ako ng pictures just to pissed him. Never mind.
Dali dali kong nilapitan at walang sabing binigyan ng ubod ng lakas na sampal ang demonyo na tila ikinagulat ng lahat...
"Woah..." Dinig kong sabi ng kapatid nitong dating Seal na si Crisostomo Ymar. Habang ang kabiyak nito ay napasinghap sa nasaksihan.
"OH MY GOD!" Sabay na sabi ng kabiyak ni Carlos Ytan na si Rebelliane at si Devone Angela...
"That sting I guess..." Anang Royal Lady na si Eris Chaossean Hellios.mataas ang tingin ko rito noon pero nawala iyon ng pumatol ito at nagpabuntis sa isang Stavros.
Pumito pa si Renolve na katabi nito.
"This is what I meant earlier... Brother." Anang walang pusong Cristoffer Ybarra na syang nanggigipit sa Center! Halimaw!
Nanginginig ang kalamnan ko sa sobrang galit. Napakawalang puso nito...
Ngunit sa gulat ko ay biglang may dumapong malakas na mag-asawang sampal sa mukha ko.
"WHAT THE HELL ARE YOU THINKING WOMAN?! ANONG KARAPATAN MONG SAKTAN O HAWAKAN MAN LANG ANG KAPATID KO?! YOU , A LOWLIFE CREATURE! YOU'LL PAY FOR THIS!"Agad na inawat at inilayo sa akin ng asawa nitong si Moris ang babaeng Stavros.
"AT ANONG KARAPATAN NG LALAKING DEMONYO NA ITO NA SIRAIN ANG BUHAY KO GAYONG HINDI KO NA KAYO GINUGULONG MULI! PUTANG-INA ! WALA KANG PUSO HADES STAVROS! PATI ANG MGA EMPLEYADO NG STASYON AT LALONG LALO NA ANG MGA BATA SA CENTER AY IDINAMAY MO PA PARA LANG MAPAKAIN MO ANG PUTANG-INAG EGO MO! YOU ARE A PURE AND A FUCKED UP EVIL STAVROS!I FUCKING HATE YOU DEMON! I ABHOR YOU! " galit na galit kong singhal dito.
Nakita ko ang tila may dumaang sakit sa berdeng mata nito na bigla ding nawala at napalitan ng malamig na panitig. Napansin ko din ang pamumula ng mukha nito kung saan ko siya sinampal kanina... Wala akong pakialam... galit na galit ako sa kanya...
Inanunsyo ni Renolve na iwanan muna kami ng mga ito... Ayaw pumayag ng reyna nila ngunit walang nagawa ito dahil iyon din ang sinabi ng asawa nito..
Pinagbantaan pa ako ng babaeng iyon ng masama...Mahabang katahimikan ang nagdaan bago nagslita ang demonyo...
"I warned you already, Severeena. But you were so stubborn. This is the price of your decision. You made these to them. You brought them to misery. " Walang pusong sabi nito sa akin.
Lalong bumigat ang dibdib ko sa narinig sa mula rito. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko... Mabigat na mabilis ang tibok niyon... Habol habol ko ang hininga ko ngunit kailangan kong magpakatatag...
"Kung pumayag ka lamang... Hindi aabot sa ganito ang lahat. But you chose the hardest way. You're right, lady. I am a heartless demon. Someone took it! And I will do everything just to get what I want. That's how Stavros deals with their things. Hate me all you want... But I will definitely get what I want. " Pagpapatuloy nito.

BINABASA MO ANG
Stavros 6: CLOSER
General FictionI know it breaks your heart Moved to the city in a broke-down car And four years, no calls Now you're lookin' pretty in a hotel bar And I-I-I can't stop No, I-I-I can't stop -Closer (Chainsmoker)