4

594 23 0
                                    

"YOU'RE SO IMPOSSIBLE JULIANO! ALAM MO KUNG GAANO KO KINAMUMUHIAN ANG TAONG IYON! " gigil kong sumbat kay Juliano

Kasalukuyan kaming nasa opisina nito sa top floor ng station building. He just stared at me blankly like he was expecting for my outburst

"Ree, Dad together with the other board members approved it. Wala akong magagawa lalo na't Dr. Stavros himself proposed a billion dollar account for the station. Who would not approved it anyway? It's a win-win deal. " Bored na paliwanag nito

"YOU SHOULD HAVE INFORM ME IN ADVANCED! SANA AY HINDI KO TINANGGAP ANG OFFER! I WANT OUT! AYOKONG MAKATRABAHO ANG LALAKING IYON! " Singhal ko rito

Huminga ng malalim si Juliano at tila kinakalma ang sarili... He seems so mad to something...

"I thought that you will read the contract first before signing it , Ree. You are a smart woman for godforsaken's sake! You always read the every contract before you accept it... Pero anong nangyari kanina?" He said in cold manner.

Nanggigil akong lalo sa sinabi nito. Alam kong may kasalanan ako sa nangyari! Pero anong magagawa ko?! I was so happy to read the fucking contract back then dahil it was my dream team! Hindi ko naman inaasahan na hahayaan ni Juliano na mainvolve ako sa lalaking iyon!

"I HATE YOU, RIGHT NOW JULIANO!" gigil kong singhal dito

Tiningnan nyo ako na tila nagulat sa sinabi ko... The pain on his eyes was evident. Tila nakaramdam ako ng pagsisisi dahil doon. Damn it! I know I should not told him those words. Juliano gone through enough dahil sa anak ito sa  labas ni Juan De Mesa... He happened to be his only son kaya walang nagawa ang pamilya ng ama nito kundi ang tanggapin sya bilang tagapagmana ng matandang De Mesa dahil sa kanilang henerasyon ay ito lang ang nag-iisang lalaki... At lahat ay babae na. Ngunit hindi ibig sabihin noon ay madali ang buhay nito... He was hated by his father's family for being an illegitimate son. He worked hard to prove his worth for his Father, Grandfather and his father's siblings. Ang lola , ang bunsong kapatid lamang nitong babaeng si Julia at ang pinsang si Charm ang tumanggap dito ng maluwag sa puso.

Ngumisi lamang ito sa akin at naiiling. "I know. Ree." Sagot lang nito

Gusto kong bawiin ang sinabi ko ngunit huli na...me and my mouth.

"I'm sorry Julian---"

"If you want to back out on the contract...then you have to talk with that man. Wala na akong maitutulong sa iyo sa bagay na ito Severeena kundi ang makuha ka ng appointment. You know that I am still tied with my father's approval." Anito sa akin sa kalmadong boses.

Napakagat ako sa aking labi ...alam kong nagdaramdam pa rin sa akin ang kaibigan ko . Kaya naman nilapitan ko ito at tumungo sa likuran ng kanyang upuan... At niyakap sya mula roon... Naramdaman ko ang paninigas ng katawan nito at unti unti rin naman kumalma...

"Juliano... You know I didn't mean what I had said awhile ago right? I love you the most... You are still my favorite person in the world..." Lambing ko rito

Huminga ito ng malalim na tila sumusuko na rin...

"Yeah? You love me...? Hm?" Anya sa akin sa malambing na boses.

Huminga ako ng malalim at hinigpitan ang yakap sa kanya... Juliano and I are bestfriends... Yet we cannot deny that something is going on between us. We don't like to name it... Dahil ayaw naming parehong makaapekto sa pagkakaibigan naming dalawa...

"Yeah... I lov---"

Napatingin kaming pareho ni Juliano ng bumukas ang pinto ng opisina nito at iniluwa roon ang secretary nyang si Gwinet na kinakabahan at sa likod nito ay ang taong kinamumuhian ko ng lubos na tila mapapatay kami sa pamamaraan ng tingin nito sa amin... Naroroon din si Juan De Mesa na matalim na tiningnan din ang ayos namin ni Juliano kaya naman umayos ako ng tayo at lumayo mula rito.

"Chairman." Bati ni Juliano sa ama at tumayo upang lapitan ang mga ito.

Umismid ang matandang De Mesa bago bumaling sa akin. "I was looking for yoy in your office, Ms. Santos at tama ang hinala ko na dito kita matatagpuan ng hindi ka maratnan doon..." Anito sa mapanguyam na tono. I can taste the disapproval on his voice.

Yes... I got my own office since nabigyan ako ng sunud sunod na breaks sa industry. I got my own team too.

"May pinaguusapan lang kami ni Ree,Cha---"pinutol agad ng ama nito ang sasabihin ni Juliano .

"...Dr. Stavros wants to talk to you in private. "  Anya sa akin na ikinabigla ko maging ni Juliano. I can sense na aalma ang kaibigan ko.

"About...?"

"Important matters, Severeena." Sa halip na ang matandang De Mesa ang sumagot ay ang halimaw na Stavros iyon kaya natuon ang pansin ko rito. His eyes is piercing my soul... The hate and irritation mirrors on those emerald orbs... Ang kapal ng mukha nito!

"You should come with him now, Ms. Santos. Hindi mo dapat pinaghihintay si Dr. Stavros." Anang matandang De Mesa

Kaya naman kinuha ko ang gamit ko sa couch ... Nilapitan si Juliano at bumeso rito bilang pagpapaalam. Tumango sa matandang hukluban at nagpatiunang naglakad sa halimaw na lalaking ito!

Sa elevator ay pigil ang irap ko rito ... "What are we going to talk about, Stavros? Talk now." Malamig kong tanong dito.

Tiningnan nya ang repleksyon namin sa elevator ng masama na tila may kasalanan akong nagawa rito... Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ito... huminga ako ng malalim at sinimulang pakalmahin ang nagwawalang tibog ng puso ko... Shit!

"So... The young De Mesa and you huh? Sunshine?" Mapanguyam na sabi nito gamit ang malamig na tinig

Umirap ako sa kanya "None of your business,Stavros. " Malamig kong sagot dito.

Nakita ko ang pangangalit  ng mga panga nito na tila nagpipigil sa kung ano... Now what?! Are you going to hurt me? Go try! I'll kill you first!

Namayani ang katahimikan sa loob ng elevator at napamaang ako ng mapansing sa rooftop kami ng station naroroon... Nakadama ako ng kaba at takot ng makita ko ang chopper na may pamilyar na family seal doon...

Stavros...

Plano kong tumakbo pabalik sa loob ng elevator ng bigla akong binuhat na parang sako ng bigas ng halimaw ng lalaki... Nanlaban ako at pinagsusuntok ang likod nito...

"FUCK YOU! BITIWAN MO AKO! THIS IS KIDNAPPING ! I WILL SUE YOU! I HATE YOU ! DAMN IT! IBABA MO AKO... STAVROS ! IBABA MO AKO!"

"STOP IT! YOU CANNOT DO ANYTHING NOW! DAHIL WALA KA NANG KAWALA, SUNSHINE! REMEMBER...I GOT YOU FIRST!" Anito at walang kaingat-ingat nya akong isinadlak sa loon ng chopper at sumakay ito roon... He put the gear on me kahit nanlalaban ako and he signaled a familiar man to take off.

"Isla el Stavros, Renolve. Now."

Ngumisi naman ang lalaki at sinunod ang sinabi ng halimaw...

"Sure,brother. Ybarra will surely have a long long day to fix your mess" turan pa nito

Stavros 6: CLOSERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon