8

536 21 0
                                    

Kasalukuyang lulan kami ng private plane ni Hades patungo sa unang nasa listahan ni Ms. Rosalie ... Binasa ko ang bucket list nito tulad ng binilin sa akin ng demonyong doctor na kasama ko ngayon and he let me choose 15 places to visit out of hundreds on the list since, it will take a lifetime if we will finish everything in there... And here are my chosen places na nakaagaw ng pansin ko. Ewan ko ba, my heart beats differ when I chose this places...

1.Swim on the largest swimming pool in Chile

2. Sleep on the underwater hotel in Dubai

3. Climb Willis Tower of Chicago

4. Stay in a glass igloo on Finland

5. Swim in a glass pool between two building on London

6. Walk on the water of the reflective salt lake in Bolivia

7. Go on a hot air baloon ride in Turkey

8. Swing in the edge the world on Ecuador

9. Stay in a water bungalow in Maldives

10. A road trip through death valley in USA

11. Walk across the terrific glass bridge on China

12. The cleanest water of the world Melissani Lake on Greece.

13. Be at Positano Amalfi Coast in Italy

14 Dine in a Hanging Restau in Thailand...

15. Attend mass at Callao Cave Chapel that is located in Peñablanca, Cagayan, Philippines

Tahimik kong binalik sa kanya ang bucket list journal kasama ang list ng mga napili ko. He just scanned it then gave it to his assistant to arrange our tour yesterday. Then last night his assistant told me that be ready dahil nga aalis na kami ngayon... He instructed his assistant to send someone to help me with my preparation na tatanggihan ko sana ngunit nagbanta ito na mawawalan ng trabaho ang mga inutusan nito kung hindi nila ako tutulungan. He is a jerk.

Saan kami pupunta?

Chile.

Magsuswimming lang naman kami sa pinakamalaking swimming pool sa mundo ! At ang funny sa lahat ay, the devil instructed his assistant to make sure na limited lang ang mga taong makakasama namin sa tatlong araw na stay namin doon. He even booked the largest villa doon! I am telling you, this man gone nuts with his wealth.

By the way, I made my research about this pool last night... And it is a fucking 1,013 meters in length with a total area of 8 hectares , it is  the San Alfonso del Mar resort in Algarrobo, Chile. Hindi ko alam kung anong trip ni Ms. Rosalie at gusto nyang magswimming doon...samantalang pare pareho lang na tubig ang nasa mga swimming pool, puro chlorine!

Naputol ang pag-mumuni muni ko ng lapitan ako ng isa sa mga babae. Akala ko ay FA "Excuse me ma'am, I'm Annie Gallope, I will be your personal assistant, Do you need anything? " Masayang sabi nito.

Nagulat pa ako ng sabihing P.A ko ito... Napatingin ako sa pwesto ng demonyo, at nakita kong seryoso ito sa ginagawa sa laptop nito. Tumingin akong muli kay Annie. "I don't need anything, Annie. " Naiilang kong sagot dito. Ngumiti naman ito sa akin at may iniabot sa aking latest model ng IPhone na ikinalaki ng mga mata ko.

"Here is your new phone ma'am. It was postpaid, and has no limit. You can use it for internation calls and text. I already ask an IT expert from Stavros Communication to save all your important contacts and files from your old phone as per instruction of Mr. Stavros. " Imporma nito sa akin .

Nakaramdam ako ng inis ng maalala ang ginawa nito sa phone ko nang malaman nyang tinatawagan ko si Juliano... He destroyed my phone at sa sobrang galit ko sa kanya ay di ko napigilan ang sarili kong sampalin siya na ikinabigla rin nito.  Nangyari iyon matapos kong ibigay sa kanya ang listahan kagabi ... Hanggang ngayon ay hindi kami nagpapansinan... And that's my advantage.

Ngumiti lamang ako ng tipid at nagpasalamat kay Annie. I instructed her to sit on her seat . I started checking the phone and I noticed that a lot of my contacts are missing. Halos lahat ng lalaki na nakasave sa dati kong phone ay wala. I tried to search Juliano's as expected wala iyon doon. Himinga na lamang ako ng malalim at pilit inaalala ang number nito pero I failed dahil kapapalit lamang ng lalaki ng kanyang number last week.

I groan frustratedly and just put the phone on my lap. Huminga ako ng malalim at hinilot ang sentido tanda nang pagkalma ko sa aking sarili... Napamulat naman ako ng may biglang humila ng kamay ko at sa gulat ko ay nabungaran ko ang may pag-aalalang mukha ng demonyong lalake. He is checking my pulse rate thru my wrist na pilit kong iniiwas ngunit mas hinihigpitan nito ang hawak.

"Stay still... Ms. Gallope, get my medical bag..." Utos nito bago muling tumingin sa akin. "What do you feel right now, sunshine? Are you having difficulty in breathing? Or does your heart aches?" Tanong nito.

Tila nakaramdam naman ako ng hiya dahil doon. "U-uhm... No... Medyo masakit lang ang ulo ko. But I am fine." Sabi ko rito.

Huminga ito ng malalim at binalingan ang kakabalik lang na si Annie na may pag-aalala rin sa mukha. Kinuha ni Hades ang bag at may hinanap doon... Inilabas nito ang Stethoscope at isang botelyang pamilyar sa akin... Pill for headache. Agad nya akong inabutan ng isang tablet at ang tubig ko na nag-aalinlangan pa akong tanggapin ngunit ginawa ko . Ininom ko iyon at ibinalik sa lagayan ang aking tubig. He did the drill of checking my respiratory activities thru his stethoscope.
Afterwards he looked relax. He told Annie to monitor me whole time bago ito bumalik sa pwesto. Napag-alaman ko na dating nurse si Annie sa kagustuhan ng mga magulang nito at dahil napilitan lamang talaga ito sa kursong iyon ay nagresign sya after 3 years nya sa pagtatrabaho sa ospital ng demonyo. Inofferan sya nito ng trabaho bilang isa sa mga assistant nito at ngayon nga ay sya ang aasikasuhin nito which I find not necessary . Ayokong makipagtalo kay Hades kaya hinayaan ko na.

Nakatulog ako ng ilang oras at nagising na lamang ng sabihan ako ni Annie na palapag na kami sa Stavros Airline. Nauna itong bumaba sa akin .... Ako naman ay sumunod lang sa kanila at hindi kumikibo. Naramdaman ko ang lamig na humaplos sa akin ng pagbaba ko sa eroplano. Niyakap ko ang aking sarili...

"Are you okay, Ms. Ree?" Nag-aalalang tanong ni Annie.

Ngumiti ako rito at tumango. "Medyo malamig lang but I'm fine. " Sagot ko sa kanya .

"Gabi po kasi... Saglit lamang po at ipapakuha ko ang coat nyo sa---"

"No need... Annie. Okay lang ako. Tara na" nakangiti kong pigil dito .

"Are you going to continue chatting here till dawn ?" Napangiwi ako ng makita ang pamumutla ni Annie ng marinig ang malamig na tanong ng demonyo.

"Apology, Mr. Stavros. I am just a-asking Ms.Ree if she wants me to get her a coat...because she feels cold ...but she refused po." Kabadong paliwanag ni Annie na mas lalong nagpangiwi sa akin.
Bakit lahat na lang nirereport ng babaeng to?

Nakita kong tila natiim bagang ito at matalim na tumingin sa akin bago humakbang palapit sa akin... Lumagpas ito sa akin at nahigit ang hininga ko ng maramdaman ang presensya nito sa aking likuran... Ilang sandali lamang ay naramdaman ko na lamang na may ipinatong ito sa aking balikat na bumalot sa aking likuran...

"You should tell me immediately, sunshine. Let's go..." He said in cold yet baritone voice that send chills into my spine... Damn...

Bago ko naramdaman ang kamay nito sa aking likuran at ginaya papasok sa arrival area... Wala sa sarili lamang akong nagpatangay rito.

Sandali?

Anong nangyayari?

Stavros 6: CLOSERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon