34

610 27 4
                                    

Severeena Santos Bautista's

Napatili ako kahit nakulong lamang iyon sa loob ng bibig ko nang marinig ang sunud-sunod na putok ng baril mula sa labas ng bahay...  Nanginginig ang katawan ko, tila nagbabalik sa akin ang trauma ko noong bata ako at pinatay ang aking mga magulang.

"P-parang awa nyo na...w-wag ang p-pamilya ko... A-ako na lang..." ani papa sa nanghihina nitong boses. Dinig na dinig ko mula sa pinagtataguan namin silid ni nana ang sakit na nararamdaman nito.

"Mukhang masarap ang asawa mo Attorney... Titikman muna namin sya bago namin kayo patayin... Manood ka..." Sunud sunod ang daing at pagmamakaawa ng mga magulang ko habang binababoy nila ang mama ko sa harap ng walang kalabang labang si papa... Matapos niyon sunud sunod na putok ng mga baril ang narinig ko... tila hindi na maaalis sa utak ko ang lahat ng iyon.

"Yung anak ng mga ito?" Anang isang lalaki.

Nakaramdam ako ng takot dahil doon... Niyakap ako ng mahigpit ni nana sa loob ng playroom ko. Tinabunan nya ako ng mga stufftoys at sinabihang wag mag-iingay... Iniwan nya ako roon at lumabas... Sobrang takot ang naramdaman ko na umabot sa puntong naihi ako sa sarili kong salawal... Laging naglalaro sa isipan ko ang mga daing, pagmamakaawa ng mga magulang ko at ang mga putok ngbaril na tumapos sa buhay ng mga ito...

Bumalik si nana na duguan ang balikat...at kinuha ako roon... Kasunod niyon ay itinakbo nya ako paalis ng bahay namin...
Hindi ko masundan ang mga pangyayari na iyon dahil ang nasa isipan ko lamang ay ang mga tunog ng paghihinagpis ng mga magulang ko...

"MS. REE! MS. REE!" tila bumalik ako sa realidad ng marinig ang nagmamadaling tawag ni Annie sa akin na may hawak hawak na baril... Dali dali nya akong nilapitan at kinakalag ang tali sa akin ."Dumating na ang tulong... Ms. Ree... Ngayon ang tanging kailangan nating gawin ay mailabas kita rito ng ligtas... Kung hindi mananagot ako kay Sir. Hades at kay nanay... " Anito sa seryosong boses.

Stavros 6: CLOSERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon