1

1.3K 33 2
                                    

"Doc! Parang-awa nyo na po... Tulungan nyo ang nana ko... D-doc... " Puno ng luha kong pagmamakaawa sa aking head sa residency ko rito sa ospital na pagmamayari nito... Ang Stavros y Diogracios Hospital

"Don't worry, Dr. Bautista... I will do my best just to save your mother..." Puno ng pag-asang anito sa akin kaya gumaan ang dalahin ko sa akin puso... Dahil alam kong ligtas na ang nana ... Magaling na doctor si Dr. Hades  Stavros y Diogracios. Ito ang naging inspirasyon ko sa pagdodoctor ko. Ito kasi ang gumamot sa akin noong huling taon ko sa Pre-Med course ko na BS-Bio... At wala akong planong ipagpatuloy sana ang medicine dahil sa sakit ko sa puso noon... Pero nagamot nya ako... At ipinangako ko rito na tutularan ko sya...

Si nana inatake ito sa puso ... nagkaroon iyon ng komplikasyon...At ngayon ay nangangailangan na maopera sa lalong madaling panahon sa aking palagay... umaasa akong mapagaling ni Doc. Hades si nana tulad ng ginawa nito sa akin noon....

Bumalik ako sa private room ni nana... At dinatnan si Doc. Hades doon na seryosong chinecheck ang vitals nito. Lumapit ako at inassist siya kahit alam kong hindi ko duty ngayon.

"We need to run some test  so we can find out the extent of the damage. " Anito habang tinitipa ang laptop kung saan naroroon ang chart ni nana.

"Noted doc. Please iligtas nyo po si nana..." Pakiusap ko rito.

Ngumiti naman ito sa akin at tulad ng nakagawian niyang gawin ...ginusot niya ang buhok kong nakalugay. "Don't worry... Your mother will live a healthier life after this! Cheer up! Doctor Severeena Baustista! Cheer up sunshine of our department!" Anito na nakapagpangiti sa akin kasabay ng paginit ng aking mga pisngi... Na ikinatawa nito.

"Cute as ever! " Tumingin ito kay nana. "Na, pagaling kayo! Your sunshine is losing her faith in me! Kaya let's fight okay?" He said before bidding his good bye dahil dadalhan daw ito ng lunch ni Ms. Rosalie... Ang asawa nito. Mabait at maganda si Ms. Rosalie Stavros ... Perfect match sila ni Doc! Kaya idol ko ang mga ito!

"Reena... " Napatingin ako kay nana.  " M-mabait talaga si doc... " Anito kaya napangiti ako rito.

"Sabi ko sa inyo na e! Hindi ka nya papabayaan! Papagalingin ka ni Doc! May magic sya e! " Biro ko rito.

Malungkot na ngumiti si nana sa akin . "Kung a-ano man ang mangyari nak... M-magpatuloy ka lang h-huh? Mahal na mahal ka ni nana..."

Hindi ko alam pero tila bumigat ang loob ko ng marinig iyon...

"N-nana naman... Fight lang tayo! Gagaling ka! Pagagalingin ka ni doc Hades! Okay? Wag mo isipin mga ganyang bagay na... Gagaling ka..." basag ang boses na pagpapalakas ko ng loob dito.

Malungkot na ngumiti lamang si nana sa akin.

Nana is the only family I have. Namatay pareho ang parents ko nang looban ang bahay namin noong 14 years old pa lamang ako at si nana... Ang tagapag-alaga ko lamang ang natira sa akin. Wala na akong ibang matatawag na pamilya kundi siya dahil wala ni isang kamag-anak akong kumupkop sa akin noon... Dahil takot ang mga ito na madamay dahil ayon sa mga pulis noon ay ang pakay ng mga nanloob ay patayin ang mga buong pamilya ko... Hindi ko maintindihan noon... Pero nanatili si nana. Buti na lamang at may educational plan at trustfund na iniwan ang parents ko sa akin kundi ay hindi ko matatapos ang pag-aaral ko at hindi ako makakapagmedicine.

Muli akong napatitig kay nana na tila kay lalim ng iniisip... At may lungkot sa mga mata nito...

Alam kong gagaling ito! Kaya itong pagalingin ni Doc. Hades. Malaki ang tiwala ko rito...


---
"Nana... Malapitna po ang inyong operasyon... kaya kailangan magpalakas kayo! Lalo na't nag-aalala masyado itong si Severeena. " Ani Doc Hades na ikinangiti ni nana.

"Narinig nyo yun na? Palakas ka okay? " Sabi ko rito at pinisil ang kamay nito. Pangatlong araw na namin rito sa ospital...

"Doc. Bautista... Pwede ba kitang makausap?" Ani Doc Hades sa akin.

Tumango ako at nagpaalam kay nana baon ang kaba sa dibdib dahil sa tono nito alam kong may hindi tama...

Pagpasok namin sa opisina nito ay dinatnan namin doon si Ms. Rosalie na walang kupas ang kagandahan kahit na tila nangayayat ito at medyo namumutla...

"Hey mi amore... What a surprise..." Masayang bati ni Doc Hades dito at hinalikan ito sa labi na nakapagpangiti sa akin.

Natatawang pinutol iyon ni Ms. Rosalie. "Reena is here... Mi amore... Mukhang may seryosong pag-uusapan kayo... I'll wait outs--"

"Ai... Wag na po Ms. Rosalie... K-kung ano man po sasabihin ni Doc Hades ay ayos lamang pong marinig ninyo... Uhm... Ano po ... Alam ko naman po di nyo pagsasabi e." Nahihiya kong sabi rito na ikinangiti nito.

"You're adorable, Reena... " Anito na nagpainit ng mukha ko.

"Mi amore... I will check you up later after this talk with Severeena ...Namumutla ka... just take a rest of my private room" sabi ni Doc Hades dito at iginaya nya pa ito sa iaang pintuan roon na sa hinuha ko ay silid nito rito. Pumasok si Ms Rosalie roon... At hinayaang bukas ang pintuan ...


Bumalik si Doc Hades sa upuan nito at ako naman ay naupo na sa visitor's chair sa tapat nito...


"Ano po iyon doc? May problema po ba kay nana? May komplikasyon p---"


"Hindi ito tungkol sa nana mo, Dr. Bautista... Dumating na ang mga result ng test na isinagawa sa iyo noong nahirapan kang huminga at nawalan ng malay... And... Based on the results... Your heart is deteriorating... Unti unti itong humihina... At paghindi naagapan ay maaaring mauwi ito sa iba't ibang komplikasyon...or worst... huminto na lamang ito sa pagtibok... Sinabi ko na ito sa iyo noon... Na kung hindi mo aalagaan ang sarili mo ay ganito ang mangyayari... " Anito sa seryosong tinig.


Tila isang bombang sumabog sa akin ang sinabi nito. Dumating na ang isa sa pinakakinatatakutan ko...

"I-ibig pong sabihin nito ay kailangan na pong..."

Tumango ito bilang tugon...

"Yes...Severeena... You need a heart transplant as soon as possible..." 

Stavros 6: CLOSERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon