Minsan akong napadalaw sa mga ilaw na 'yon,
Sa bahay ng mga ginoong nagpapakasasa,
Naghihiyaw sa kasiyahan dulot ng init---na humihingi ng kasagutan,
Minsan ko siyang dinalaw sa loob-loob ko,Kung ako lang sana ang may suot ng kaniyang blusa,
Ay hindi ko 'yon huhubarin---Nagsigawan silang muli,
At pinatakan ng mga laway ang mga kamay niya,
Nag-alay ng inumin na nakasalin sa mamahaling baso,
Tila ba'y isinisilid siya sa mamahaling lalagyan na 'yon,
Natanggal ang una niyang butones---Sa pangalawang pag-aalay ay hinalikan siya sa pisngi,
Sinayawan ng mga apoy na nakapaligid, na humihingi ng kasagutan---
Mga uhaw,
Minsan ko siyang dinalaw,At masasabi kong,
Kung ako ang may suot ng kaniyang blusa,
Ay hindi ko 'yon huhubarin,Nagtayuan ang mga humihingi,
Kulang pa siguro ang mga inumin---dinagdagan nila,
Natanggal ang dalawa pang butones,
Nagsigawan ang mga uhaw---Kung alam lang nila---
Minsan ko siyang dinalaw sa mga pailaw,
At kinuha ang bakas ng tastas niyang damit,
Kung ako lang sana ang may suot ng kaniyang blusa,
Ay hindi ko 'yon hahayaang mapigtal---#MgaArte
![](https://img.wattpad.com/cover/209267991-288-k952879.jpg)