Written: November 26, 2017
Ginamit ko 'tong contest piece noon. Somehow, badly written, I know. Pero hinangaan 'to ng mga guro ko noon, ewan kung bakit.Sabi nila kapag gumagawa ng tula dapat may hugot,
Dapat may pangyayari sa buhay mo na muntik na sayong magpasuko,
Sinubukan kong gumawa!Bawat letra,salita at parirala ay mahalaga,
Dahil baka malihis ang binubuo kong tula,subalit hindi ko sariling istorya,
Istorya na kung saan-saan ko lang narinig,
Mula sa telebisyon,radyo o pelikula,Pero wala akong nabubuo,ilang papel na ang nilamukos,
Ilang matatalinghagang salita narin ang binuhos,
Sinubukan kong alalahanin yung mga pangyayari sa buhay ko na p'wedeng itala,
Sinubukan kong magkunwaring mayroon akong karanasan sa pagmamahal na sinasabi nila. . .Totoo nga bang makapagyarihan ang pag-ibig na maski ako ay napa-tula?
Napatanong ako,kaylangan ba sa pagtula ang drama?
Paano ba tumula kung ang puso mo ay walang nadarama?
Kaylangan ko ba talagang umiyak,tulad ng mga sinasabi nila?Sinubukan ko. . .
Wala akong karanasan sa pagmamahal
Pero kung maka hugot parang alam ang mga salitang tinuran nila naaalala ko,
Habang nanonood ako ng mga tula
Nagbabasa ng kanilang mga akda,
at nakikinig ng kanilang mga piyesa,
Puro salitang mahal ko siya pero masasaksihan mong hindi siya minahal pagdating sa gitna,Ibubuhos ang emosyon sa parteng iniwan siya,
Pero dahan-dahan lang,
hindi ka binibilhan ng papel upang itala ang kwento niyong dalawa,
at hindi ka ninibilhan ng bolpen para ubusin ang tinta para sa mga bagay na walang kwenta,Ang paaralan ay isang lugar na nangangailangan ng katatagan,diskarte,puso at malalim na kaisipan,
para itong laban na kapag nagpabaya
sa huli dulot ay kapahamakan,
pero kapag naging matalino sa bawat galaw makakamit ang diplomang inaasam,Dahil ang diploma ay parang ang taong iyong inaasam,
mailap sa una pero kapag pinagtyagaan
at hinintay ang panahon na tama na ang lahat, pero ang nararapat,
dahil walang mararating ang pag mamadali,
sabi nga sa parabula
ang nauuna ay nahuhuli
at ang nahuhuli ay ang nauuna,Naranasan ko na ang magmadali
sinuway ang payo ng magulang,
at sumabay sa kung anong nakikita, sa uso katulad ng ibang kabataan,
Pero hindi ako doon naging masaya
napagod din sa sermon mula pagtulog sa gabi hanggang paggising sa umaga,
Pero bakit ko ba pag aaksayahan ang mga bagay na kapag lumipas ang panahon nawawala at lumuluma?Pero ang mga pangarap mo ay parang ikaw napagyayaman may mga pagsubok na dumadaan,
para hindi mo ito makamtan pero lilipas ang panahon na dadalhin ka ng iyong mga paa sa dapat mong paroroonan,'Yan ang sabi nila,
Naniniwala ako sa mga sinasabi nila
Pero nakaramdam ako ng parang kulang
Na parang naramdaman ko ulit na gusto kong lumabas sa kahon kung saan ako nakakulong,
Ng napakahabang panahon
Pero pinatitigil ang bawat paggalaw kong mga paniniwalang mga sinasabi nilang nakasukbit sa sistema ko,
Masasaktan ka sa pagmamahal kaya mag-aral ka na lang,
Maniwala ka, iyan ang mas nakabubuti
Papunta ka palang pabalik na kami,
Iyan ang sinasabi nila. . .naniwala ako ng mahabang panahon
Tila pinatigil ng mga salitang yun ang
Bawat pagalaw at pinananatili ako sa isang mahabang pagkakatulog,Akala ko maayos na
Akala ko maayos na, hanggang sa dumating ka
Sinundan ko ang mabilis mong paggalaw,ang mabilis mong pag-ikot at tila nakawala sa isang hawlang uhaw na uhaw,
Uhaw sa pagmamahal na sinasabi nilang masama,
Uhaw sa mga titig na nagmumula sayong mga mata,
Nagmahal akong muli,at nabuhay ang bagong ako,
Binuksan ang puso kong matagal ng nakasara,
At ginising ang puso kong himbing sa pagkakatulog,At kinalimutan ang mga sinabi nila at nakalimutan ko lahat,
Nagigising sa umaga ng hindi hawak ang libro,kundi ang nakangiti mong litrato,
Natutulog sa gabi ng hindi bolpen at papel ang hawak kundi ang telepono,
Nabuhay ng tila walang bigat dahil pinagagaan ito ng iyong pagmamahal,Nagigising ako upang hindi makipag talo kung sino ang magsisinungaling sa kongreso
Hindi ako gumigising para bilangin ang mga buwang natitira sa kalendaryo,
Hindi ako gumigising para bilangin at magmadali sa nasasayang na oras,minuto at segundo,
Gumisising ako para sayo, gumigising ako para tahakin yung mga pangarap na kasama,
At sa wakas hindi ako nag-iisa
Sabay tayong gumigising para harapin ang bagong umaga,
Mag kahawak ng kamay na sinisilayan ang pag alis ng araw,
Pero hindi ko alam na iyon na ang huling araw na nasa tabi ka. . .ang huling ako at ikaw,
At may nawala,tinangay ng hangin ang mga pangako,
Sabay parin naman tayong gumigising sa umaga pero hindi ang katawagan sating dalawa,
Naghihintay parin ako na muling magkakahawak ang kamay,Na dahan dahan lang nating tatahakin ang mga oras at panahon
Pero tila nakikipag habulan ako kay tadhana. . .gusto kitang bawiin sa kanya
At gusto kong sabihin na hindi ang iyong mga kamalian ang aking kailangan,kundi ikaw. . .ikaw ang kaylangan ko, hindi ang mga hindi mo magandang nagawa,At tila naglalakad ako sa buwan nang hindi makausad,
At haharapin ang buhay na dating ikaw ang bubungad,
Yung mga pangayayari na ikaw at ako lang ang nakakaintindi
Yung panahong hindi natin alintana ang mabatong daan
Hindi natin alintana ang bumubuhos na ulan
Ulan kong saan kita huling nasilayan,
Napakadilim ng kalangitan, gusto kong sisihin ang tadhana
Dahil parang nandadaya,Ang malakas na bugso ng hangin na tila pabor na paglalayo natin,
Ang mga sasakyang dumadaan,
Na hinahati ang ating mga landas, hindi yun nakatulong kundi nakapag pabigat pa ng aking nararamdaman,
At biglang pumasok sa isip ko ang mga sinabi nila!
Masakit ang magmahal,kaya huwag mo ng subukan,Biglang natumba ang mga tuhod kong nanghihina,
At nalamang tama sila!
Tama ang mga sinasabi nila,
Dahil parang isang libro. . .mauubos ang bawat pahina,pero ang mahalaga ang mga natutunan sa pagwawakas ng bawat panina ng libro,
Hindi nga sila nagkamali!-
I'm sorry kung mahaba. Spoken word poetry kasi kaya kailangang matagal ang exposure sa stage. Fact: Na-mental block ako during performance. Pero kinuha ulit ako, kahit 'di nanalo, tapos nag-perform. Yay.
![](https://img.wattpad.com/cover/209267991-288-k952879.jpg)