Kung ang iba'y nagsasaya sa kanilang pagiging musmos,
At nagpapasalamat sa kanilang pananatiling buhay,
Ibahin mo siya na humihiling,
At ang tanging nais ay parol na higit pa sa nakasabit,Ang mga mata niya'y namumuti sa pagsusog sa mga bakal,
Sumasambulat ang dibdib dahil sa awa sa sarili,
Buhat nang pananatili sa kaniyang tablero--
Wala naman siyang nagawang mali,
Ngunit siya'y tumataghoy buhat sa maling pag-aakala,Tinupok siya ng mga utas mula sa mga subersibo't,
Itinali sa likod ng mga rehas,
Kung kaya niya lang sanang abutin ang parol na higit pa sa nakasabit--Siya'y tumungayaw dulot ng kaniyang pananatili,
Sa umaasong alikabok dulot ng kaniyang pagkaluma,
At mga sagitsit mula sa kaniyang mga mata--Kung ang kalayaan mula sa mga rehas ang hatid nitong parol,
Magsasaya siya nang higit pa sa kaniyang mga ungol.#MgaArte