Written: May 22, 2019
Siya si Clara,
Siya'y nakikipaglaro at tumataya,
Sa mapaglarong apoy ng tadhana,
Nakipaglaro sa isang pag-aakala,
Na ang pag-ibig niya ay masusuklian ng pagmamahal na itinaya.Siya si Clara,
Sumugal at nakipag digma,
Umagos ang dugo at luha,
Pinaglaruan na tila ba manika,
Binuhos ang lahat hanggang sa walang natira,
Piniga para sa pag-ibig na itinataya.Wala siyang alam sa larong ito,
Alam niya lang sundin ang kaniyang puso,
Inosente siya sa nagkalat na apoy na binuo,
Natatakot siya, pero...
Ayaw niyang tumigil sa paglalaro.Siya si Manika Clara,
Isang mandirigma ng pag-ibig na inaakala,
Umagos sa tinik ng alaala,
Hindi natakot kahit siya'y laruang manika,
Sa dulo'y luhaan sa pagkaubos ng pag-ibig na binuhos,
Naiwan sa sulok at naghihintay na mapulot.Siya ang manikang si Clara