Written: March 10, 2018
Hindi pa siguro sapat ang iwasang mag-isip ng salita,
Na sa pangalan mo ay tutugma,Hindi siguro sapat na maniwala,
Sa mapanlinlang na mga paniniwala,
Na isa na akong malaya sa mga kadena na humihila,Pabalik sa mga ala-ala noong sinabing kalimutan na muna,
Sa mga oras na akala ko sa mga mata mo ako ang tala,
Na akala ko,ako na ang una sayong magpapakaba,
Pero hindi,kaya kalimutan na muna,Nagpalinlang ako sa sarili kong mga salita,
Nagpalinlang ako sa sarili kong mga tugma,
Nagpalinlang ako,sa sarili ko,
Noong sinabi kong masaya ako dahil ako'y malaya,
Noong sinabi kong nasabi ko na,ang bigat na sa akin na gumagambala ay tuluyan nang nawala,Pero kasalanan ko ba ang malito?
Kung maski sila,hindi maintindihan ang pangyayaring ganito?
Kasalanan ko bang ngumiti,habang nakatingin sa inyong dalawa,habang nag-iibigan?
Kasalanan ko bang,ayoko na humadlang
Kaya akala ko,nagkasundo na kami ng aking puso,Na hindi na muli pa siyang titibok dahil sa presensya mo,
Akala ko nagkasundo na kami ng aking mga mata,na hindi na muling tititig at matataranta pa,
Akala ko ay nagkasundo na kami ng aking mga paa,na hindi na muling tatakas sa tuwing mamamalas ka,
Akala ko'y nagkasundo na kami ng aking bibig na hindi na mauutal pa,
At akala ko,nagkasundo na kami ng aking mga luha na hindi na muling papatak pa,Dahil sa mga panahong sinabi kong ako'y masaya,
Lubha sigurong nanabik ang aking katawan,na muling kumilos at bumalik sa dating sila,
Baka nanabik ang aking mga luha na lumabas at nais makaramdam ng pagpunas,
O ng aking mga paa,na magmadali noong mga panahong naiistatwa
At mga panahong hindi kumikilos dahil wala ka,Dahil—
Nasa kanya ka,kaya heto. . .
Kakalimutan ko muna,ang mga panahong kinalimutan kita
Kaya sige,pagbibigyan ko munang manabik ang aking puso na tumibok
At kung minsan ay maging mapusok...
Kaya kalimutan muna natin,na naging kayong dalawa#MgaArte