Martsa ng Pagbabayad

11 4 0
                                        


Kung makababalik lang sana ang mga nagmartsa,
At ang tunog ng sapatos na dumagundong sa mga kantarilya,
Ay handa akong magpasundo,
At pagdusahan ang hindi ko pagsagip sa sarili mula sa mga guho,

Handa kong lakarin ang patungong Bataan,
O kung gaano man ito kalayo,
Upang bigyang tanda ang kasidhian,
Ng mga bagong sibol na takas ng oratoryo,

Handa kong pagbayaran ang paghawak ko ng itak,
Upang patahimikin ang mga berdugo,
At maremedyuhan ang mga mapanghamak,
Na mga kapitalista't propiyetaryo,

Habang ipinapastol ang nag-aalab kong loob,
Laban sa mga pasuray ng mga nang-uuyam sa lipunan,
At ang paghihirap ng mga kinutuban,
Sa mga pangitain ng paglusob,

Handa akong lumakad palayo,
At pagdusahan ang hindi ko pagkasagip mula sa mga guho,
Kaysa manatiling nakipipista,
Sa mga natutop na bangkay sa bayan ni Ina,

Kung makababalik lang sana,
Ang kaluluwa ng mga nagmartsa,
Ay handa ko silang isama,
Papalayo mula sa mga hukay na nakahambala.

Mga ArteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon