Hindi lahat ng tahanan ay mayroong bubong at bintana,
May telang sutlang nakabalot sa kama,Ang bintana---
Sagipin mo ang sarili mula sa kaniyang bintana!
Naroon siya sa loob at humahawak ng espada,Dahil hindi lahat ng tahanan ay ang bahay at mansiyon,
Ang kaniya'y sapat na ang alikabok mula sa mga sapatos na dumapit at pumaroon,
Sapagkat hindi lahat ng usok ay mula sa palay at harina,
Ang kaniya'y sapat na ang sa mga tambutso,Sapat na sa kaniya ang bangketa,
At ang usok at alikabok,
Ang kumot sa ilalim ng mga talukap,
At ang espadang nakatago sa kaniyang bintana,Kung kaya niya lang sanang bigyang hustisya ang mga paa niyang natapakan,
At posasan ang mga kamay na humawak sa pangangailangan,
Kung kaya niya lang sanang bigyan ng hustisya,
Ang bangketa na kaniyang naging tahanan,Ang kama---
Ang dumi---
Ang bangketa, 'wag niyong tapakan!!Kung kaya niya lang sanang bigyang hustisya,
Ang bangketa na kaniyang naging tahanan,
Handa siyang posasan ang mga kamay na minsang humawak sa pangangailangan.#MgaArte
