Written: October 13, 2018
Winasiwas ko sa hangin ang hawak na pluma,
Hinukay sa isip ang maaaring gamiting mga salita,
At doon nagsimula ang aking mahika,
Doon nagsimula ang pag-ibig ko sa prosa,Hanggang sa. . .gumuhit ako yari ang pinagsamang mga letra,
Kinulayan ang hangin at pininta ng aking makulay na hininga,
Nakita ko ang pagkamangha sa mga taong naniniwala,
Nakakatuwang makita ang kumikinang nilang mga mata,Nakakatuwang nakikinig sila sa kuwento ng aking tula,
At ang taglay nitong mahika,
Kasama ko silang tahiin ang araw na pinagtugma-tugma,
Nagsimulang maging musika sa kanila,ang pagbigkas ko sa bawat linya,Nilunasan ko ang sakit na bumabalot sa bawat isa,
Tinibag ang pader na bumabalot sa mga puso nila,
Naging kakampi ko ang aking papel at pluma,
Naging karamay ko ang mahikang nabubuo sa mga letra,
Hanggang sa. . .Nakalimutan na nilang makinig,
Nakalimutan na nila ang mahika ko at ang taglay nitong hatid,
Wala ng nais sumama,
Naging mabagal na ang pagproseso sa bawat tugma,
Nakalimutan na ang maaaring gamiting mga salita,
Nakalimutan ko na ang humabi at magpinta,
Nalimot ko ang bumuo ng musika sa aking mga linya,Hindi ko na alam. . .
Naging dayuhan na ako sa sarili kong pananalita,
Paano nga ba ulit ang bumigkas?
Paano nga ba ulit ang pluma ko winawasiwas?
Kaya't nagsimula akong muli,
Hindi na mahalaga kung paano ako nakalimot,At ang pagkasawa ko sa tulang iniirog-irog,
Naglakbay ulit ako,tinawid ang mga alala,
Sumakay at nilipad ang hangaring makapagsulat,
Hanggang sa mabuo ko ang kuwento ng aking tula,
Kung paano ako naging banyaga sa sarili kong panulat,
Inalis ang nakadagan sa dibdib kong nagpapabigat,
Sa kagustuhan kong maisulat ang kuwento ng aking tula,At ngayon ko muling winasiwas ang aking pluma,
Binigkas muli ang aking bawat linya,
Sa ilalim ng madilim na gabi,kung saan nakikinig ang mga tala.-
Ang alam ko, nagka-writer's block ako kaya nasulat ko 'to. Gulo 'no?
