Naghahanapan

12 3 0
                                    

Written: July 10, 2018

Matagal nang kumikirot itong puso,
Naghahanap ng sa kanya ay pupuno,
Umiiyak nang walang dahilan,
Nagsusulat ng tula na para kanino lang,
Pero wala pa akong piyesang nakapangalan sa'yo,
Wala akong piyesa na pinamagatan kong tayo,

Wala akong piyesa kung kailan,saan at paano tayo nagkatagpo,
Dahil patuloy pa kitang hinahanap,
Sa daan, sa ulan at sa kung saan,kahit pa sa kalangitan,
Hindi ka manlang marunong magparamdam,
O magtanong ng aking pangalan,

Nang sa ganun,tayo ay magkakilanlan
Maaaring tayo ang tinadhana,pero patuloy parin tayong naghahanapan,
Maaaring nagkukubli ka sa mga ulap,
Ako nama'y hinahanap ka sa mga aklat,
Sana naman tayo ay mag kabungguan,
Katulad ng mga napapanood ko sa mga sinehan,

May mga aklat na maglalaglagan,
Kasama ng mga pusong nagkakahumalingan,
O di kaya ay gumitna ako sa daan,
Tapos hihilahin mo ako at saka mag kakatitigan,
Saka mag iiwasan ng tingin at magkakamustahan,
Pero tama na ang pantasya,

Gusto na kitang makilala,tama na ang pagtataguan,
Gusto ko nang maisulat ang una nating istorya,

Pupusuan o di kaya ay huhusgahan,
Oo nagmamadali na ako,
Dahil baka bigla nalang mag biro si kupido,
Baka imbis na magkatuluyan,
Pinaghiwalay tayo ng daan na lalakaran.

-

Wala pa rin siya hahaha lol.

Mga ArteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon