Written: January 03, 2018
Eto 'yung ginamit ko no'ng tumula ako sa radio(MOR 101.9) Sa segment na moments on radio.Dapat ba akong maniwala sa walang hanggan?
Kung ang puso ko'y pinatay na ng mga salita mula sa likod at harapan?
Dapat pa ba akong maniwala sa walang hanggan?
Kung ako'y lunod na sa luha na gabi-gabi kong pinapakawalan?Sabihin n'yo,dapat pa ba akong maniwala sa "tiwala lang",
Kung maski ang sarili ko ay di ko na kayang pagkatiwalaan?
Dahil madalas siyang pumipili ng taong sa huli sakit ang dulot sa puso kong wasak ng kaniyang iwan,Sa tingin niyo dapat pa ba akong maniwala sa walang hanggan,
Kung maski ang pinaka malalim na dagat ay mayroon ding hangganan,
Kaylangan ko pa bang maniwala sa walang hanggan
Kung baka pati ang walang hanggan ay may dulo rin pala,Kung pati ang ang pagmamahal mo na para sa akin,ay may expiration date kaya itatapon mo nalang basta,
Baka kung pati ang walang hanggan ay may salitang hanggang dito nalang,
Bakit pa naimbento ang walang hanggan?
Kung lahat ng bagay ay may katapusan,
Kung lahat ng bagay ay humahantong sa pagkasira,Naimbento ba ang walang hanggan
Para sabihing maghintay ka lang?
Para sirain ka muna, bago buuin?
O baka naman buuin ka muna,bago wasakin ulit?
O baka naman naimbento ang walang hanggan
Para walang hanggang sakit ang iyong maramdaman,Walang hanggan pait
Walang hanggang pagkasira nang paulit-ulit,
O baka sabihin mong matatapos din ang pait,matatapos din ang sakit
Matatapos din ang walang hanggang hinagpis,E di totoo palang matatapos din ang walang hanggan,
Totoo palang may katapusan ang walamg hanggan
Pero lahat ng ito...
May isang bagay na nagpapatuloy at may isang bagay na nagpapatunay ng walang hanggan
Ako,tayo,ikaw nilalakbay parin natin ang walang hanggan,At kung sakaling dumating man ang katapusan ng sinasabi kong walang hanggan
Sa pagkakataong ito,doon lang ako maniniwala hindi sa sinasabi mo para lang sa isang araw na kilig at saya.__
Hindi ko talaga alam kung saan galing 'yung mga sinasabi ko rito. Ang daming hugot sa buhay, hayst.