Caleb's

25 1 0
                                    

Nakakabadtrip lang yung nanggising sa akin. Ang sakit ng ulo ko parang sasabog ng wala sa oras. Amoy alak pa ako. Kaso wala na akong maalala kagabi. Badtrip talaga!

"Mabuti't gising ka na. Yari ka kay Kirsten, iyak nang iyak yan kagabi." Sabi ni Dale habang nagsasangag.

"Bakit ka naman umiyak?" Tanong ko.

"Kasi naman nagpakalasing ka! I don't know kung paano umuwi. I don't have load kaya! Ako nalang mag-isang nakaupo doon. Halos nakakatakot yung mga lalaki na nagbabantay doon 'no! Buti nalang tumawag sila Dale. I hate you!" Sabi niya atsaka tumalikod. Napatawa nalang ako. Nagpapacute na naman.

Uupo na sana ako para hintayin ang niluluto ni Horace at ni Dale nang may kumatok sa unit ni Horace. Binuksan naman ito ni Dale.

Isang babaeng may bangs at hanggang balikat ang buhok, nakangiti, may dalawang bagahe, at nakadress pang kulay blue.

"Xiara?"

"Oh yes! Namiss mo ba ako, Caleb? Parang hindi e." Sabi niya at nagpout. Bakit ang aarte ng nasa paligid ko ngayon?

"I missed you." Sabi ko at niyakap siya. Ilang taon din simula nung hindi kami nagkayakap. Namiss ko talaga siya.

"Ew! Amoy alak!" Sabi niya at lumayo sa akin. Pumunta naman siya kay Horace na halatang gulat na gulat din.

"Hi kuya! Gulat ka? Oh well, I'm here na! Namiss mo ba kagandahan ko? Hmm?"

"Hindi ko inaasahan na darating ka Xiara liit." Sabi ni Horace at tumawa. Napasimangot naman si Xiara.

"I hate you na Kuya Horace! I hate you! Hmp! I have something for you pa naman!" Sabi niya at kinatawa naming lahat. Ang angas niya pa dati ah. Halos nga hindi pa nagsusuot yan ng mga pambabaeng damit tapos ngayon makaacting na cute, wagas!

Nagdabog siya at pumunta kay Kirsten. Niyakap niya si Kirsten.

"Omg! Ang pretty mo, Kirsten. Mana ka sa akin." Sabi niya. Akala ko magtataray sila sa isa't isa pero nagtawanan pa nga.

Matapos makipagkwentuhan ay dumako ang tingin niya kay Dale. Hindi niya nga pala alam kay Dale. Iba pa naman itong si Xiara kapag hindi niya kilala ang isang tao. Sa tingin palang niya e halos husgahan niya na pati kaluluwa ni Dale. Tinignan niya mula ulo hanggang paa. Jusko naman.

"And you are?" Mataray na tanong ni Xiara. Fuck.

"Dale. Gaia Dale."

"Oh. Pinsan ni Kirsten? Bestfriend ni Caleb? Personal assistant ni kuya Horace?"

Hindi ba maaawat bunganga nito?

"No. Girlfriend ni Horace." Alam ko na kahit magmukhang mataray ngayon si Xiara, alam ko sa loob niyan nagulat yan.

"Oh! I'm sorry, Dale." Sabi niya at niyakap naman si Dale. Hindi ako kumportable.

"So... let's eat!" Sabi ni Dale at inilapag ang mga pagkain. Fried chicken at adobong manok.

"I will cook tocino nalang for you." Sabi ni Xiara sa akin. Magsasalita na sana ako nang magsalita naman si Dale.

"Ha? Eh may pagkain na ih. Marami pa yan." Sabi niya.

"Allergic siya sa chicken and ayaw niya sa adobo." Sabi ni Xiara. Nagulat naman siya.

"Ay hala! Sorry Caleb. Hindi ko naman alam. Favorite kasi yan ni Horace e. Anong gusto mong kainin? Lulutuan nalang kita. Naku! Nakakahiya. Pasensya na." Halata ko ang pagpapanic niya. Muntik pa nga niya mabagsak yung kutsara na hawak niya. Kaya kumuha ako ng adobo at kinain ito. Wala na akong pake kung may allergy ako sa manok at ayaw ko sa adobo. Basta hindi lang mapahiya si Dale.

"Caleb!" Sigaw ni Xiara at tumayo pa ito.

"Masarap naman ah." Sabi ko kahit ayaw na ayaw ko.

"Caleb..." Bulong naman sa akin ni Kirsten para pigilan sa ginagawa ko.

"Bahala ka." Sabi naman ni Xiara at pinagpatuloy ang pagkain. Hindi ko alam kung ano nang mangyayari sa akin kanina. Bahala na.





***

"I told you! Ang tigas-tigas kasi ng ulo mo! Bakit ka pa kasi kumain nun? Tignan mo tuloy, halos hindi ka na makahinga! Kinakati ka pa!" Pagsesermon ni Xiara. Kanina niya pa ako pinagsasabihan. Hindi naman ako makaimik dahil hindi ako makahinga.

"Punta na tayo sa hospital. Baka mamatay si Caleb. Let's go." Sabi naman ni Kirsten na umiiyak na naman. Gusto ko matawa kaso baka sampalin lang ako nito.

"Heto na yun gamot. Sorry talaga Caleb. Hindi ko naman alam." Sabi ni Dale.

"Nasabi ko na 'to, di ba? Wala kang kasalanan." Sabi naman ni Horace at niyakap si Dale.

Ininom ko ang gamot ko at pinahid ko rin yung ointment para sa mga pantal.

"No! This is all your fault! Dapat tinanong muna sila kung anong gusto niyang kainin!" Sigaw ni Xiara. Nang maramdaman ko na ayos na ang paghinga ko ay hinawakan ko si Xiara para pakalmahin.

"Walang kasalanan si Dale, Xiara. Walang may kasalanan. Kaya please? Huwag na kayo magsisihan." Sabat ni Kirsten

"Stop blaming her, Xiara." Sabi na ni Horace na kanina pa nananahimik. Mabuti naman may balak siyang ipagtangggol kahit papaano si Dale.

"I'm so sorry, especially to Caleb. Hindi ko talaga alam. Sorry." Sabi niya.

"It's okay. Ako dapat ang nagsorry kasi hindi ko mapigilan si Xiara. Nasisi ka tuloy." Sabi ko para naman mabawasan iniisip niya.

"May plano pa naman sana ako na pumunta tayo bukas sa Cagayan Province kaso hindi naman kayo ayos." Sabi ni Horace.

"Let's go!" Masiglang sabi ni Dale na parang ayos na sakaniya ang nangyari.

"No. Hindi naman kayo magka-ayos. Huwag na lang."

"Tara na. Para naman makapagrelax ka. Isa pa, wala naman sa akin yun. Ayos lang sa akin." Nakangiting sabi ni Dale at humarap sa amin.

"Sana maging maayos tayong lahat. Sana makalimutan na natin ang nangyari ngayon. Pwede ba yun?" Tanong ni Dale.

"Pwede?" Ulit niya pero walang sumagot.

"Hindi pa ba sainyo ayos? Xiara? Caleb? Kirsten?"

"Ayos sa akin." Sagot ni Kirsten.

"Sa akin din." Sabi ko. Kaya lahat kami napatingin kay Xiara. Mataray pa rin.

"What?" Patay malisya niyang tanong.

"Okay na tayo, right?" Tanong ni Dale.

"Sino nagsabi? Never tayong magkaka-ayos. Nagpapakitang tao ka ba? Kung oo, tigi--"

"XIARA!" Sigaw ni Horace. Galit na siya.

"What? Masama ba magtanong? Nagpapakitang tao ka ba? Hindi maganda ang pakiramdam ko sa'yo. Kaya kung pinaplastik mo kami, stop! Hindi ka uubra sa akin. Hindi kita papatawarin at hindi ako magsosorry sa ginawa ko. Deserve mo naman. Sorry not sorry kuya Horace. Masama kung masama pero hindi ko gusto si Dale." Sabi ni Xiara na kinatahimik naming lahat.

Fuck. Mukhang masama ito.



Yuli: hi po! Sorry ngayon lang ako. Namiss niyo ba ako? Hihi

Entries From Dale | ✔Where stories live. Discover now