Dale: hey!
Caleb: ?
Dale: may klase ka pa?Kailan pa siya nagkaroon ng interes sa akin?
Caleb: may 2 hours pa. bakit?
Dale: dalian mo ha? punta ka sa bahay ko. puntahan natin si Horace.
Dale: hep! bawal nang tumanggi. thank you!Akala ko sa akin na e, hindi pala. Kay Horace pa rin.
***
"Hindi kasi ako mapakali kanina pa. Sabi kasi ni Horace nasa company siya. Wala lang, gusto ko lang siya makita. Pasensya na talaga, Caleb." Sabi niya habang hawak ang bag na punong-puno ng pagkain.
"Ayos lang." Sabi ko naman. Wala naman akong magagawa.
Kasalukuyan kaming nasa harap ng building ng entertainment nila Horace. Matapos ng bakasyon namin sa Cagayan 2 weeks ago, hindi naman na siya umuuwi sa condo.
"Yes po? Sino po sila?" Tanong ng isang babae na may katangkaran.
"Nandito po kaya si Horace?"
"Ay, sorry po ma'am. Wala si Horace." Bago kami umalis ay nagpasalamat muna kami.
"Relax, Dale. Para kang pinagsakluban ng langit at lupa."
"Minsan nalang kasi kami magka-usap nun e. Atsaka sabi niya nandito siya e."
"Malay mo may urgent lang. Huwag ka muna mag-isip ng kung ano-ano."
Ano na kasing nangyayari kay Horace? Hindi niya alam may nag-aalala sakaniya.
Nang makapasok kami sa elevator ay todo ang pagbuntong hininga niya. Grabe siya mag-isip. Hindi talaga siya mapakali. Ang daming scenario siguro ang nabubuo sa isip nitong babaeng ito. Ibang klase.
"You know what, Dale, relax. Huwag panay buntong hininga. Makikita mo rin siya." Sabi ko. Para kasing ano mang oras iiyak na siya.
Habang naghihintay na bumukas ang elevator, iba naman ang nangyari. Biglang pumatay ang ilaw na kinasigaw niya. Biglang huminto ang pag-andar ng elevator.
Na-stuck pa nga ata kami.
"Ano ba naman yan!" Reklamo niya.
Alam niyo ba, inaasahan ko na yayakap siya sa akin sa sobrang takot tapos sasabihin niya na, please, Caleb, dito ka lang. Tapos magtatama ang mga mata namin. Unti-unting babagal ang lahat at ang tanging maririnig lang ang tibok ng puso naming dalawa at hindi alintana ang pagka-stuck sa elevator. Hahaplusin ko ang pisngi niya at sasabihin sakaniya na huwag na siyang mag-alala. Na nandito lang ako sa tabi niya. At dahan-dahan maglalapit ang aming mga mukha at hahalikan ang isa't isa.
"Caleb!" "Ay hahalikan!" Pagkasigaw niya ng pangalan ko, nasigaw ko naman yun.
Bad, Caleb. What a stupid mouth.
"Anong hahalikan?"
"Ah... ano... iniisip ko kasi kung yung babaeng gusto ko sana ang nandito, hahalikan ko siya hehe." Pucha! Muntik na. Sa movie lang naman nangyayari yung ganun.
"Ah akala ko kung ano na. May signal ba phone mo?" Tanong niya.
"Meron kaso kakaubos lang ng load ko." Sabi ko naman. Kaya kinuha niya ang phone niya sa bag niya at nagsimulang mag-dial.
YOU ARE READING
Entries From Dale | ✔
FanficSa kagustuhan ni Dale na mapansin siya ni Horace gumawa siyang maraming-maraming sulat para sa binata. Ngunit nababasa ba talaga ni Horace lahat? O balewala lang lahat ang mga sulat ni Dale?