Dale's

15 1 0
                                    

Hey guys! It's me, your beautiful author-nim, Yuli! Sa dinami-rami ng POV ni Caleb, tuwang-tuwa na kayo, hmm? Pagbigyan niyo muna ibang characters ko. Lalo na si Dale. Nagtatampo na siya sa akin e. Enjoy reading mga yulievers! Chour! May name na kayo HAHAHAH joke. Luv y'all.

----

Hindi pa rin masaya ang umaga ko. Dalawang araw na ang nakakalipas simula nung pumunta kami ni Caleb sa company nila Horace pero nag-uusap naman kami ni Horace pero hindi nagkikita. Miss na miss ko na siya. Kapag nag-uusap kami mga bente minutos lang. Nakakadismaya.

"Good morning..." Walang ganang bati ko kila Kirsten, Xiara at Caleb na inimbitahan ko kahapon na dito na sila matulog para may kasama ako.

Pero hindi sila nagsalita sa akin. Tinitigan lang ako. Si Xiara na ayaw pa rin sa akin, hindi niya maiwasan na mapatitig sa akin. Nag-uusap naman kami pero limitado lang kasi alam kong inis pa rin siya sa akin. Hindi ko naman siya masisisi. Makukuha ko rin loob niya. Si Caleb na bumabati sa akin ng masigla tuwing umaga, nakatitig lang sa akin. Si Kirsten naman na laging yumayakap sa akin, nakatitig lang din.

"Anong meron? Parang wala kayo sa sarili niyo." Sabi ko. Parang may kung anong pumasok sa kanilang kakaiba para magkaganyan sila.

Bumuntong hininga si Kirsten at niyakap niya ako. Ilang segundo lang humihikbi na siya. Ayaw niya akong pakawalan. Ano bang nangyayari sa mga tao ngayon?

Tumingin ako sa dalawa na naka-upo sa may sofa. Sumenyas ako kung anong nangyari pero walang sumagot sa kanila.

Kinakabahan ako. Ano ba kasing nangyari?!

"What the fuck, what happened?"

"Kahit anong mangyari, don't open your social media accounts."

"Ha? Bakit?"

"We just want to protect you."

"No, Kirsten. Sabihin niyo sa akin at haharapin ko. Ano ba yun?" Kinakabahan ako na naiinis. Ano ba kasing nangyayari? Kakagising ko lang tapos naiinis ako.

"Dale, sundin mo nalang kami." Saka na nagsalita si Caleb. Kumawala naman na si Kirsten.

"Paano ko kayo susundin kung hindi niyo sinasabi sa akin lahat?! Mamamatay na ba ako?! Ano?!"

"Calm down, Dale. They want to protect you. Don't be so stubborn." Si Xiara.

"Ako pa? Ako pa yung stubborn? Eh kayo nga yung hindi nagpapaliwanag sa lahat ng nangyayari e!"

Pumunta akong comfort room at naghilamos at nagmumog. Paglabas ko dumiretso akong kwarto para kunin ang phone ko. Bubuksan ko na sana nang pumasok si Kirsten.

"Please, Dale." Nagmamakaawa siya na huwag na huwag bubuksan. Sinunod ko siya at lumabas ng kwarto. Tatangkain ko na sanang buksan ang t.v. nang pinigilan ulit nila ako.

"Bawal ako gumamit ng phone, sige. Pero yung television, bawal pa rin, huwag naman na! Torture 'to! Ano na ba kasing nangyayari? Siguro naman may karapatan akong malaman?" Pinilit kong maging mahinahon. Hangga't maaari ayaw kong magalit.

"Fine. Gusto mo malaman ang totoo? Buksan mo social media accounts mo." Sabi ni Xiara.

"Xiara!" Saway naman ni Caleb.

"What? Gusto niya malaman ang totoo e. Hayaan niyo siya. She wants to know the truth, let her."

Huminga muna ako ng malalim saka ko binuksan ang facebook account ko. Hindi ko alam ang makikita ko pero sige, I'll take the risk.

Pagbukas ko palang ng account ko isang article na ang bumungad.

Aktor na si Horace Abad, may non-showbiz girlfriend? Alamin!

Pinindot ko ang article at binasa ang kabuuan ng balita.

Sikat na aktor na si Horace Abad, may non-showbiz girlfriend nga ba? Ayon sa nagpadala ng litrato ay nakuhanan ito sa Cagayan Valley.

Makikita rito sa litrato na nagtatawanan ang babae at ang nasabing aktor. Mukhang masaya sila sa kanilang pinag-uusapan. Ano kaya ito?

Mahigit isang taon na rin simula nung mabalita na wala na sila ng ex niya na non-showbiz din. Ngayon nalang ba ulit ito nagkaroon ng kasintahan?

Ayaw magpakilala ng nagpadala ng litrato. Samantalang, wala pang pahayag ang aktor tungkol sa isyung ito.

Tinignan ko naman ang mga comments sa mga article.

Princess Pascual
Ay grabe! Meron na ulit girlfriend si Horace huhu! My heart!

Grace Hernandez
Ang weak naman. Bakit ayaw niyo ipakita yung babae? Dapat ipakita niyo para makilatis naming lahat!

Fea Lopez
Naku! For sure, mas maganda pa rin yung latest leading lady ni Horace 'no! Baka naman chararat yan. 'Pag yan nakilala ko, siguraduhin niyong maganda yan ha?

Ashley Sales
What's wrong about that people? Porque ba matagal na walang balita sa lovelife ni Horace ganyan kayo umasta? Buhay yan ni Horace. Kung true fan kayo at may bago na si Horace, support them nalang. Puro kayo kuda! Kung hindi naman kagandahan, edi tignan niyo sa ugali. Mga bungangerang frog!

Zarah Natividad
Basta ako, hindi ako support kung totoo man ito. Ipakita niyo kasi ng makita naming lahat!

Pinigilan kong hindi tumulo ang luha ko. Ginusto ko ito e, papanindigan ko.

Nag-scroll ulit ako at may isang nagshare. Binasa ko ang post.

Diana Eschavez
Friend ko yung kumuha ng litrato kay Horace at sa hinihinalang girlfriend nito. Ayaw kasi magpakilala ng friend ko kaya naman sinasabi ko ito. Actually, maganda yung girl. Pero it's up to you guys. Kayo na ang humusga. But for me, I'll support them! Sino magpapasend ng picture? HAHAHA. Message niyo ko.

Tinignan ko naman ang mga comments. Karamihan mga kababaihan. Nakita ko rin yung ibang nagcomments sa may article.

Grace Hernandez
ayt. kung para sa'yo maganda siya? no. ampangit ng ngiti niya. kakainis!

Fea Lopez
Ghad! Tama nga ako. Mas maganda yung latest leading lady ni Horace. Boo!

Rhea Punzalan
Siya na yun? So cheap ng type ni Horace ah. Mas maganda pa yung ex niya e. duh.

Devine Concepcion
Ay! Taga school namin yung girl! Mabait siya. Kung tutuusin marami siyang friend e. Don't judge muna guys! Di niyo pa siya kilala.

Caleb Abad
Wake up, bashers. Wala na ba kayong magawa kundi mambash? Ano naman kung totoo yun? That girl is nice. She's beautiful inside and out. Oh c'mon! Masyado na ba kayong insecure huh? Hindi nakakapagtaka.

Xiara Saavedra
Very wrong, hoomans. Napakalalakas niyo kumuda, mga walang binatbat! Kung kayo ba naging girlfriend ni Horace, sa tingin ko hindi ako matutuwa sa mga ugali niyo. Hindi ako boto sainyo. Basta maganda yung babae at boto ako sakanila kung sakaling i-claim ni Horace na sila nung girl.

Tinigil ko ang pagbabasa. Ilan lang yan sa mga nabasa ko. Tumingin ako kila Caleb, Xiara at Kirsten. Hindi ko na napigilan ang umiyak dahil sa comment ni Caleb at Xiara.

"Xiara, thank you." Sabi ko at niyakap siya.

"Caleb, thank you rin." Niyakap ko rin siya.

"Kirsten, thank you." Niyakap ko siya ng pagkahigpit-higpit.

Kung wala man ngayon si Horace, nandito naman sila for me.

Pero hindi ko maiwasan ang mangamba. Paano mapadali ang pagtanggap ng mundo sa aming dalawa?

Wala naman akong ginawa kundi mahalin siya pero ang hirap talaga kapag mundo na ang kalaban mo.

Mananalo ba ako kapag mundo na ang kalaban ko?

Entries From Dale | ✔Where stories live. Discover now