Kirsten's

20 1 0
                                    

For the first time, may POV si Kirsten!!! Syempre ayaw niyo basahin kasi favorite niyong point of view yung kay Caleb. Ayaw niyo sa ibang characters ko! Mahalin niyo sila equally, oki? Thank you!
-yuli

--------------------------------------------------------------

Anong gagawin ko ngayon? Pinagsisihan ko na. Sana hindi nalang kami lumabas nitong si Caleb kanina e! Nakakafrustrate!!!

"Caleb, stop na please." I said. Nakakainis naman kasi e! Hindi ko alam kung paano ito papakalmahin?

"No, Kirsten. I want more." Sabi niya at umorder ulit ng alak. Aaaaaaargh! Nakakainis na. Hindi ko naman maiwanan itong lalaking 'to.

"Let's go home na. Late na ih. Please, Caleb?" Sabi ko at nagmamakaawang tumingin sakaniya. Nakapout siya, oo, cute siya pero hindi niya madadaan sa ganiyan!

"No! Dito muna tayo? Ayaw mo ba akong maging masaya ha?"

"Maging masaya ba yung pagpapakalunod sa alak?"

"Oo. Tignan mo, ang saya ko ngayon. Kung bakit kasi hindi ko matanggihan yung pinsan ko." Sabi niya. Kanina pa siya nagdradrama. Kanina niya pa paulit-ulit sinasabi sa akin na sana siya nalang daw.

"Sana ako nalang yun, Kirsten. Sana umamin ako. Sana nauna akong umamin. Mali bang ihanda muna ang sarili? Mali ba? Sagutin mo nga ako." See? Paulit-ulit siya.

Hindi na nga lang ako umiimik e. Pinapakinggan ko lang rants niya. Kasi andami niyang iniisip pero tungkol lang kay Dale.

"Alam mo ba ha? Nung bata kami ni Horace, ako lagi nagpaparaya. Ako lagi namimigay. Ultimo nga laruan na paborito ko noon, binigay ko na e. Pero ako yung mas bata pero bakit siya nalang lagi? Yung babaeng mahal ko hindi niya pa ipaubaya sa akin."

"Hindi ko alam kung anong mali sa akin. Ano bang meron si Horace na wala ako? Fame? Tangina, sabihin niya lang, mag-aartista rin ako."

"May masama ba akong ugali pinapakita? Wala naman 'di ba? Anong mali sa akin, Kirsten? Bakit hindi ako magustuhan ng kaibigan mo? Bakit hindi nalang ako?"

Sorry, Caleb. Hindi ko rin alam isasagot ko.

"Gwapo rin naman ako ah." Sabi niya at tumawa.

"May abs rin ako. Ipakita ko pa sakaniya e."

"Ano bang kailangan ko patunayan diyan sa kaibigan mo? May kailangan ba akong gawin? Mag-igib ng tubig? Mag-ayos ng ilaw? Magdala lagi ng pagkain? Ano? Gusto ko lang naman mapatunayan sakaniya na ako yung karapat-dapat."

"Gusto mo mag-gym ako araw-araw e. Gusto mo ipagluto ko siya e. Gusto mo ipaglaba ko pa siya."

Sinasaktan niya lang sarili niya. Ako? Wala akong magawa kundi pakinggan lahat nang sinasabi niya.

"Unang basa ko pa nga lang sa sulat niya, natutuwa na ako e. Kung alam niya lang na ako yung nagbabasa ng sulat niya at hindi si Horace, baka ako yung mahalin niya 'no?"

Anong ibig niyang sabihin? Akala ko ba si Horace ang nagbabasa? Yun ang kwento sa akin ni Dale.

"Pero, Kirsten, secret lang yun. Huwag na huwag mong sasabihin yun kay Dale ha? Ayaw ko masira yung kasiyahan niya sa mahal niya."

Seriously, Caleb? Kaya mo yun tiisin?

"Let's go." Sabi ko. Pero umiling siya at uminom ng alak.

"Ubusin ko lang. Sayang e." Sabi niya. Tuloy-tuloy siya sa pag-inom. Naaawa ako sakaniya. Hindi niya naman kaso deserve lahat e.

He just need to accept na hindi siya mahal ni Dale. Kailangan niyang tanggapin para hindi na masakit sakaniya. Kaso kahit sabihin mo sakaniya nang paulit-ulit, titiisin niya yung sakit basta may mapatunayan siya. Hindi naman siya superhero e. Kaya dapat iwasan niya ang magpakabayani. Kung hindi na siya mahal, tama na siguro yun. Huwag na siyang magpakatanga sa mga bagay na alam niyang talo siya.

That's why I hate the feeling of being inlove. Pero dahil sa lalaking nasa harapan ko na nagdradrama, parang natatanga ulit ako.

Lahat naman ng tao kapag naramdaman yung pagmamahal, nagiging tanga na. Nagiging bulag kahit na alam nila na may mali na. Mahal kasi nila yung tao!

Pero kapag nasaktan na, matuto dapat na huminto. Matutong magpahinga. Kasi wala kang ibang matatanggap kundi sakit. Katulad ngayon, nasasaktan siya sa taong hindi siya mahal at ako, nasasaktan din para sakaniya.

Bakit napakamapaglaro ninyo? Masaya ba na pinaglalaruan lahat? Masaya ba?

"Caleb le-" Napatigil ako kasi tulog na pala siya. Mahimbing na natutulog. Hindi niya nga naubos yung alak na iniinom niya.



Pasalamat ka, mahal kita kung hindi, iniwan na kita dito na nagdradrama.

Entries From Dale | ✔Where stories live. Discover now