Entry Number 2

35 2 0
                                    

Dear Horace,

Nagpadala ulit ako ng sulat. Alam mo ba kagabi, hindi ako makatulog baka kasi nabasa mo na. Nakakahiya!! Pero kahit ganun, ipagpapatuloy ko na ito. Wala nang atrasan dahil kung aatras ako para sinuko ko na rin pagmamahal ko sa'yo. Pero alam mo ba? Gusto ko maging guro pero ang gusto ni mama maging isang engineer. Hindi ko nakikita ang future ko sa engineering. Mas nakikita ko ang sarili ko sa pagtuturo sa mga bata. Pero kung saan sasaya si mama, doon na ako.

Alam mo ba? Maganda rin naman ang engineering pero never akong naging masaya sa mga ginagawa ko. Pero isang taon nalang, gragraduate na ako.

Never din akong nagkaboyfriend pero nararanasan ko kung paano kiligin. Dahil yun sa'yo. Sa tuwing inis na inis na ako sa lintik na course na 'to, manonood lang ako ng mga movies mo, ayos na ako. Ewan ko ba, iba talaga yung hatid mong saya sa akin.

Kung may desperada mang fan sa buong mundo, ako yun. Kaso hiatus ka sa showbiz ngayon, miss na kita e. Pero okay lang yun, you need to rest din naman. Hindi lahat ng oras mo iikot sa pag-aartista. Pero ako, iikot ang mundo ko sa'yo. Joke HAHAHAHAHAHA.

Alam ko rin na weird itong ginagawa ko pero ayos lang basta mabasa mo ito, ayos na sa akin. Unting push pa baka sagutin mo rin itong mga letters na ipapadala ko.

Yun lang mun sa ngayon, bukas ulit!

Umaasa,
DALE

Entries From Dale | ✔Where stories live. Discover now