Caleb's

25 2 0
                                    

Apat na buwan na siyang nagsusulat para kay Horace. Sa apat na buwan na yun, minsan pumapalya siya pero bumabawi naman.

At sa apat na buwan na yun, masasabi ko sa sarili ko na, mahal ko na siya.

Basta sobrang labo e. Yung tipong hindi siya nakakapagsulat, nag-aalala ako baka kasi may nangyari na sakaniya o baka pagod na siya. Kapag masaya siya, masaya na rin ako. Kapag pakiramdam kong umiiyak siya, nalulungkot ako. Bakit?

Nainlove na ako, once. Pero hindi ganito ang nararamdaman ko. Hindi ko pa siya nakikita sa personal pero takte! Parang nayakap ko na siya.

Lagi kong iniistalk yung mga social media account niya. Tapos kapag may bagong post na picture, sine-save ko. Yung picture niya, homescreen wallpaper ko. Nagpadevelop pa ako ng picture niya at inilagay sa likod ng cellphone ko. Baliw na ba ako nun? Mahal ko siya.

At kapag may lakas na ako ng loob para pumunta sa lugar nila, gagawin ko na. Aamin ako sa kaniya.

Bigyan niyo pa ako ng unting panahon.

I know, ang weird. Pati ako nagtataka. Sa loob ng 4 months, nainlove ako sa isang babaeng walang ibang ginawa kundi magsulat nang magsulat sa lalaking gusto niya.

Kaso hindi ako yun. Pero ayos lang. Kung aamin ako, baka magbago isip niya.

"Oh, bakit ang aga mong magising?" Tanong ko kay Horace. Kadalasan namang nagigising ito ng alas-dos ng hapon. Alas dyis palang ah.

"Mamaya ko sasabihin. Ligo ka na rin, pre." Sabi niya.

Ha? Bakit ako maliligo? May pupuntahan ba ito? Akala ko ba next year pa ito babalik ng showbiz?

Wala na akong ginawa kundi kinuha yung twalya at naligo na rin. Dalawang cr ang naandito baka kasi magaka kayo kung bakit maliligo na rin ako HAHAHAHA.

Ilang minuto rin ay natapos na ako maligo. Hindi naman ako mabagal maligo kaya paglabas ko ay nagbihis ako ng disente. Para naman kung may pupuntahan kami ni Horace ay maayos ako.

"Saan ba tayo pupunta, boi?" Tanong ko.

"Sa Manila."

"Paano pag-aaral ko dito?"


"Pre lipat ka na lang sa Manila. Doon ka na manirahan sa condo. Malapit naman na matapos ang taon e, maging irregular ka nalang. Pwede naman."

"Pero kung magiging irregular ako, october ako makakagraduate, hindi ako makakapagmartya. Paano yun?"


"Ako bahala. Kahit ikaw mag-isa magmartya."


"Pre ayoko. Paano sila mama dito?"


"Nandito naman si Cassidy. Kaya na nila dito. Sige na pre."


"Ano ba kasi gagawin natin sa Manila?"


"Kailangan ko lang ng tulong mo. Lalo na ang advice mo. Kapag tatawag ako araw-araw, wala namang laging signal dito. Atsaka kapag natapos naman na ng highschool si Cassidy, doon na rin siya sa Manila mag-aaral. At isa pa, napag-usapan na ito ni mama at ng mama mo? Napaaga lang yung iyo. Pero sige na naman."

Bumuntong hininga ako. Bakit naman kasi biglaan? Andami ko pa tuloy aasikasuhin.


"Marami akong aasikasuhin kung lilipat ako."


"Ako na rin bahala dun. Baka bukas pwede ka na makapag-enroll. Nakausap ko na rin kasi kagabi yung pinapaasikaso ko kaya ayos na rin."


"Ano ba kasi gagawin natin sa Manila? Bakit kailangan ako? Alam na ba ito nila mama?"


"Alam na. Nakahanda na nga pati gamit mo."

"Bakit di ko alam?"


"Surprise pre." Sabi niya atsaka tumawa. May topak ba 'to? Biglaan naman masyado.


"Anong gagawin ko sa Manila? 'Di ba pwedeng dito nalang sa Batanes?"


"Hindi. Kailangan talaga kita."


"Bakit nga?"


"Pupuntahan natin si Dale."

Entries From Dale | ✔Where stories live. Discover now