Maaga akong nagising kasi general cleaning ngayon at nagpapasama sa akin ang kaibigan kong si Kirsten na mag-grocery. Sino bang hindi makakahindi sa babaeng yun?
Nagpatugtog pa ako ng 80's song. Mas maganda ang makaluma kung alam niyo lang. Mas nakakaenjoy pakinggan. Hindi ko naman sinasabi na panget yung mga makabagong kanta pero mas nakakarelax yung makalumang kanta. Meron naman akong mga makabagong kanta sa playlist ko pero siguro mga sampu lang. Maselan ako sa mga kanta.
Nang matapos ako sa paglilinis ay naligo na ako at nagbihis dahil kanina pa dada nang dada si Kirsten na magtatanghali na raw wala pa kaming nabibili. Dapat nauna na siya!
"Gosh! Ilang oras ba maligo? Ilang oras ba mag-ayos ng sarili, Gaia Dale Rosario?!" Heto na naman siya.
"Tara nalang. Magluluto pa ako mamaya." Sabi niya.
Nang makarating kami sa grocery store, ang dami niyang pinamili. May gatas, kape, tinapay, juice, de-lata, noodles, mga process foods, mga chips, candies, pati mga gulay at karne kinuha niya na rin. Sobrang dami niyang kinuha sa bawat isa. Parang gagawa ata ito ng sari-sari store.
"Dami mong pinamili ah. Kahit kailan ang takaw mo." Sabi ko.
"Heh! Para sa'yo 'to. Inutusan ako ni Daddy na bilihan ka ng mga pangangailangan mo. Kapag sinabi ko naman na sa'yo ito kanina, baka tumanggi ka. Bawal ng bawiin." Sabi niya atsaka tumawa.
Napangiti ako. Kahit papaano may pamilya pa rin pala ako. Laking pasasalamat ko kay tito Jolo pati kay tita Kristina kasi tinuturing na nila akong anak. Balak nga nila na sa kanila nalang daw ako tumira kaso hindi ako pumayag. Dito lang ako sa bahay namin. Sa bahay ng pamilya ko talaga. Kaso wala sila. Sabi rin nila, sila na raw sasagot sa tuition ko kaso tumanggi ako. Magtratrabaho ako para doon. Hindi naman kasi ako scholar, hindi naman ako katalinuhan para maging isang scholar. Pero binibigyan ako ng allowance nila tito kaya laking pasasalamat ko sakanila pati na rin kay Kirsten.
"Oh! Huwag na mag-overthink diyan. Si daddy na rin nagsabi na kahit ilan ang bilihin ko." Mayaman sila Kirsten. Sa katunayan may ari sila ng sikat na bakery shop sa bansa. Marami na rin branches worldwide. Ewan ko kung bakit niya ako tinanggap kahit mahirap lang ako. Hindi ko talaga alam. Maswerte ako sakaniya kasi tinanggap niya ako nung mga panahon na walang tumanggap sa akin.
Sabi ko sa mga sulat kay Horace na may magulang ako. Pero ang totoo, matagal na nila akong iniwan. Wala akong kapatid. Ang papa ko, ten years old palang ako nun, iniwan na kami ni mama. Ang mama ko naman ay isang teacher kaso namatay din dahil sa aksidente nung panahon na may fieldtrip sila. 16 years old naman ako nun. Kaya sobrang hirap sa akin na maiwan mag-isa. Kaya sobrang laki ng utang na loob ko sa pamilya ni Kirsten dahil tinuring nila akong pamilya.
Pag-uwi namin ng bahay, siya na rin ang nag-ayos ng mga pinamili namin.
"Kapag nagugutom ka, huwag puro instant noodles ang kinakain mo. May meat at gulay diyan. Marami yan kaya pwede kang kumain kahit anong oras. Yung sweldo mo sa coffee shop, ipunin mo nalang."
"Yes boss!" Sabi ko. Tumawa naman siya.
"Mauuna na muna ako, Dale. May pupuntahan pa ako. Diyan ka lang. Babalik din ako mamayang gabi." Sabi niya kaya sumang-ayon ako.
Nang umalis siya nagbihis ako. Dahil malamig, napagdesisyunan kong magpajama nalang. Habang nanunuod ay may nag-doorbell.
"Sino po sila? Wait lang po!" Sigaw ko. Binuksan ko ang pinto nang dahan-dahan at sumilip.
Nagulat ako. Si Horace!!
Ibinagsak ko ang pinto. Sinampal ko ang sarili ko napatili pa nga ako sa sobrang kilig.
Nang pumasok sila napansin ko na may kasama siyang lalaki. Gwapo rin pero mas gwapo si Horace 'no
Nahihiya pa nga ako at kinakabahan. Kasi naman e. Hindi ako prepared!!!
"A-ano pong sadya ninyo?" Tanong ko. Seryoso talaga, kinakabahan ako!
"Relax, Dale." Sabi ni Horace. Omg! Did he just call me Dale?!
"Nabigla lang. So bakit kayo nandito." Hindi pa ako kumakalma. Parang gustong sumabog nang puso ko. Iba yung kilig. Kaso finally nakausap ko na ang love of my life ko!
"I want to court you."
Aaminin ko, nakakagulat. Hindi ko alam kung masyado siyang mabilis o hindi pa rin magsink in sa utak ko lahat.
Court me? Liligawan niya ako? Seryoso?
"Ha?" Wala sa sarili kong tanong.
"I said, I want to court you Dale. Nabasa ko lahat ng sulat mo since day 1." Ibig sabihin nababasa niya talaga. Worth it lahat! Worth it!
Lord thank you! Feel ko magkakajowa na ako.
"Excuse me? Can I use your bathroom?" Sabi ng kasama nilang lalaki. So tinuro ko yung kinaroroonan ng bathroom.
Nilingon ko ulit si Horace. Hindi naman ito panaginip 'di ba? Hindi talaga? Final na ba? Baka panaginip lang 'to. Baka niloloko ko lang sarili ko.
"Totoo ba 'to? Seryoso ka?"
"I'm serious. I want you to be my girlfriend so that I want to court you. Take your time to answer my offer. I will wait."
Ano na Dale? Heto na yung pangarap mo! Oo na agad!
Ano ba? Anong gagawin ko? Kinikilig ako na parang sasabog na yung puso ko.
Bununtong hininga ako para mapakalma ang sarili ko. Hindi ko talaga alam sasabihin. Siguro nabigla ako. Biglaan! Hindi ko napaghandaan. Horace kasi e!
In a count of three, sumagot ka na Dale! Baka magbago isip ni Horace.
1...
2...
3...
"You can court me, Horace."
YOU ARE READING
Entries From Dale | ✔
FanfictionSa kagustuhan ni Dale na mapansin siya ni Horace gumawa siyang maraming-maraming sulat para sa binata. Ngunit nababasa ba talaga ni Horace lahat? O balewala lang lahat ang mga sulat ni Dale?