Nakita ko siya. Umiiyak, nasasaktan, sumisigaw, nagpupumilit at nagagalit. Pati ako naaawa sakaniya. Wala naman siyang ibang ginawa kundi mahalin yung pinsan ko. Parehas kami ng sitwasyon, nagmamahal pero hindi minamahal pabalik. May pinagkaiba naman. Pinaasa siya samantalang ako, walang pag-asa sakaniya.
"Tahan na." Kahit kasi basang-basa na siya ay kitang-kita ko pa rin ang luha niya.
Tumingin lang siya sa akin at halatang nagtataka kung bakit nandito ako.
"Halika na. Tahan na." Ang sabi ko at sumama naman siya sa akin.
Nandito kami sa isang resthouse nila Kirsten. Sinabi niya na kapag dito kami nag-usap ni Dale baka mas mailabas niya lahat.
Nang makarating kami puro sermon si Kirsten kay Dale.
"Sinabi ko naman sa'yo diba? Ayan tuloy basang-basa ka! Iyak ka pa nang iyak! Ano ba naman yan, Gaia Dale."
Hinawakan ko sa balikat si Kirsten para kumalma at naintindihan niya naman ako.
Umakyat ako sa rooftop ng resthouse at inihanda lahat. Pinaakyat ko pa ang kama para kahit papaano ay marelax si Dale kapag nag-usap kami. Ang daming pagkain at alak.
Ilang oras pa ay nandito na siya. Umupo siya sa may kama at tumingala.
"Mabuti naman tumila na ang ulan." Ang sabi niya.
Kumuha ako ng alak at ibinigay sakaniya kaso tumanggi siya.
"Ayaw ko masira ang atay ko. Gusto ko pang mabuhay."
Kaya ibinalik ko ang alak at tumingin nalang din sa mga butuin.
"Sobrang lapit na ng graduation, Caleb. Kaso ikaw matagal pa kasi irregular ka. Ako? Ang lapit na. Iniimagine ko yung moment na yun na kasama si Horace. Yung yayakapin niya ako at sasabihan ako ng Congrats. Kaso wala e. Alam mo yun? Yung pangarap mo bigla nalang guguho. Yung parang pinasabugan ng bomba tapos biglang naglaho."
"Sobrang sakit pala na yung ginawa mong mundo, bigla nalang titigil sa pag-ikot. Yung hindi mo alam kung paano pa gagalaw. Hindi mo na alam kung paano magsisimula muli."
"Kaya mo, Dale. Masyado ka lang nasasaktan ngayon. Maghihilom rin yan."
"Sana. Yung puso mo ba? Humihilom na? Alam kong nasasaktan ka ngayon."
Nagulat ako. Naguguluhan ako sa sinasabi niya.
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Alam mo bang galit ako sa'yo, Caleb? Binugbog mo yung mahal ko e."
So alam niya?
"Galit rin ako sa'yo kasi nanatili kang pipi kahit nasasaktan ka na. Galit ako sa'yo at galit rin ako sa sarili ko."
"Alam ko rin na ikaw yung nakakabasa ng mga sulat ko. Ang tanga ko pala? Kasi akala ko si Horace ang bumabasa. Ang tanga ko rin kasi ang akala ko mahal ako ni Horace pero ikaw pala yung nagmamahal sa akin."
"Ayos lang sa akin, Dale. Kung saan ka masaya, masaya na ako."
"Tangina Caleb, gasgas na yan. Pwede bang isipin mo rin ang sarili mo? Pwede bang magpakaselfish ka muna? Pwede bang alisin mo muna sila at oras naman para ikaw naman? Pwede ba?"
"You know what, Dale? Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Kapag pinili ko ang sarili ko, sasabihin selfish. Kapag nagsakripisyo, selfless. Na kesyo unahin ang sarili pero kapag inuuna ko na, ang sama ko ng tao."
"Ilang beses mo bang kailangan patunayan ang sarili mo sa iba? Ilang beses ka ba magpapakatanga?"
"Dale, oo, nasasaktan ako kasi alam kong niloko ka niya. Nasasaktan ako kasi alam kong hindi mo ako kayang mahalin pabalik. Pero ayaw ko naman sirain yung kasiyahan mo kasi alam kong doon mo lang naipapakita yung totoong sarili mo. Yung buong sarili mo."
YOU ARE READING
Entries From Dale | ✔
FanfictionSa kagustuhan ni Dale na mapansin siya ni Horace gumawa siyang maraming-maraming sulat para sa binata. Ngunit nababasa ba talaga ni Horace lahat? O balewala lang lahat ang mga sulat ni Dale?