Ready na ba kayo? HAHAHAHAH.
---
Kung mayroon mang pinakamarupok sa buong sanlibutan, ako na siguro yun. Gumana ang karupukan ko noong gabing iyon kaya ayos na ulit kami ni Horace.
"Isang tanong nalang, Horace. Mahal mo ba talaga ako?" Sabi ko at saka ibinaba ang tawag.
Masyadong masakit para sa akin yung itatanggi ka ng taong mahal mo. Sobra.
Habang nagmumukmok sa may kwarto, hindi ko pinagbuksan sila Kirsten kahit kanina pa sila katok nang katok. Wala na akong pake. Basta kailangan ko lang maipagpahinga ang puso ko.
"Dale, nandito si Horace. Please open the door na." Si Kirsten.
Anong ginagawa niya rito? Hays. Pinunasan ko ang mga luha ko at inayos ang mukha. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko. Nandoon siya. May dalang bulaklak. Nakangiti.
"Uy! Ikaw pala yan friend! Napadalaw ka." Sabi ko at ngumiti sakaniya.
"Dale... sorry." Inabot niya sa akin yung bulaklak. Kinuha ko at itinapon din. Para saan pa yun?
"Dale, mag-usap naman tayo." Sabi niya pa. Hinila ko siya at sinara ang pinto.
"Explain."
"Hindi ko pwedeng sabihin kasi yun yung sinabi ng company ko."
"Bakit yung iba mong ex, proud ka? Gago ka ba?"
"I don't know. Sila ang nagsabi. Sinunod ko lang. Naiintindihan mo naman 'di ba? Mahal kita, Dale. Sana naman intindihin mo yun."
"Wow. Sana dati pa pala ako nagpadala ng sulat sa'yo para hindi tayo pinagbawalan ng company mo. Grabe naman. Ayaw ba nila sa akin? Porque hindi ako mayaman?"
"Hindi sa ganun, Dale. Intindihin mo nalang, okay? Ayaw kong pag-awayan natin 'to."
"Kung mahal mo ko dapat pinaglaban mo ako. Hindi yung papayag ka nalang basta-basta. Kung sinabi ko bang makipaghiwalay ka sa akin ngayon? Papayag ka?!"
"Dale please. Sundin nalang natin ha? Ang mahalaga, mahal natin ang isa't isa." Hindi ako umimik. Napakamalas ko naman kung ganun. Hindi niya ako kayang ipaglaban.
"Dale..." Hindi ko na alam! Nalilito na ako. Nasasaktan ako.
"Please. Babawi ako sa'yo. Sa mga araw na wala ako at sa ginawa ko ngayon."
Bumuntong hininga ako. Hindi ko siya kayang pabayaan. Kasi mahal na mahal ko siya. Hindi ko siya matiis. Nakakainis!
"Pasalamat ka mahal kita."
"Matagal ba talaga kapag nagluluto ng carbonara?" Tanong ni Xiara. Oo nga pala, nagluluto ako ng carbonara kasi request ni Horace.
"Hindi naman. Sinasarapan ko lang." Sabi ko naman.
"Alam mo ba sis, masarap magluto yan si Dale." Pagbibida naman ni Kirsten.
"Mukha nga." Sabi naman ni Xiara.
"Oh ayan, tapos na." Sabi ko naman kaso pinigilan ako ni Xiara.
"Baka hindi pa okay yung pasta."
"Ha? Tapos na. Kanina pa e." Sabi ko naman.
"Ah... yung cream? Baka matabang." Sabi niya naman.
"Anong meron ba? Okay na yun." Sabi ko naman at lumabas na.
"Ready na ang... oh!" Kaya pala pinipigilan ako ni Xiara. Grabe naman pala.
Lumapit sa akin si Caleb, "Dale..."
YOU ARE READING
Entries From Dale | ✔
FanfictionSa kagustuhan ni Dale na mapansin siya ni Horace gumawa siyang maraming-maraming sulat para sa binata. Ngunit nababasa ba talaga ni Horace lahat? O balewala lang lahat ang mga sulat ni Dale?