Caleb's

10 1 0
                                    

Ilang araw din wala akong balita kay Dale. Nilayo ko muna ang sarili ko sa dalawa baka kasi anong magawa ko. Baka maagaw ko pa si Dale.

Nung gabing itinanggi ni Horace na girlfriend niya si Dale, galit na galit ako nun. Gusto ko siyang sugurin at suntukin para matauhan. Pero kailangan ko rin naman pakinggan ang side ni Horace kung bakit niya yun ginawa. Pero naiinis pa rin ako. Nakita ko kung paano nasaktan si Dale sa ginawa ni Horace. Ayaw ko silang makita nitong mga nakaraang araw pero dahil naki-usap si Xiara, nandito ako ngayon sa condo ni Horace.

Ayos na pala sila e. Napatawad rin pala ni Dale.

"Saglit lang ha? Magluluto lang akong carbonara." Pahayag ni Dale.

Ewan ko ba pero iniiwasan kong tumingin sakaniya. Kapag kasi titingin ako, naaalala ko yung araw na nasaktan siya. Gusto ko siyang itakas nung gabing yun kaso biglang dumating si Horace.

"Sama ako." Sabi naman ni Horace.

"Ha? Saan? Magluluto lang naman ako."

"Kaya nga. Sama ako."

"Diyan ka na lang. Magkakalat ka lang sa kusina." Sabi ni Dale. Pumunta na agad siya sa kusina at iniwan si Horace.

"Caleb, pre, tagal mong nawala, saan ka ba sumuot?"

"Doon muna ako sa classmate kong lalaki. May tinatapos kasi kaming project." Nitong mga nakaraang araw, ginawa kong busy ang sarili ko para mawala muna sa isip ko si Dale pero wala pa rin talaga. Siya pa rin ang hinahanap ng sistema ko.

"Ah ganun ba? Kumusta naman?"

"Ayos lang."

Nawalan ako ng gana sa pakikipag-usap. Hindi ko pa rin talaga maalis sa isip ko yun. Sila nakamove-on na, ako hindi pa. Hindi ko alam, sila nalang dalawa ang iniisip ko. Puro nalang sila. Lalo na si Dale.

"Caleb!" Naagaw ng atensyon ko si Horace. Tumingin ako sakaniya. Sana malaman niya yung tingin kong yun na nagtatanong ng bakit.

"Nakikinig ka ba?"

"Ha? Ano ba yung sinasabi mo?" Tumingin ako sa paligid, wala na pala sa tabi ko si Xiara at Kirsten. Baka nasa kusina kasama si Dale.

"Lutang ka na naman." Sabi niya at binato sa akin ang unan.

"Ano ba yun?"

"Sabi ko, baka naman hindi project pinagkaabalahan mo nitong mga nakaraang araw. Baka chix." Sabi niya at tumawa.

"Gago!" Sabi ko na lalo niyang kinatawa.

"Ano? Sabihin mo nga, may gusto ka na bang babae?" Nagkibit balikat nalang ako.

"Wala? Hina mo." Kung sabihin ko kaya na girlfriend niya ang gusto ko, tatahimik ba 'to?

"May gusto yan si bakla." Singit ni Xiara.

"Sino?"

"Ikaw, kuya Horace. Ikaw gusto niya." Tumawa naman si Xiara.

Bakit ba nila ako pinagkakaisahan?

"Tanginang yan, Caleb! Huwag ako! Magpinsan tayong buo!" Sigaw niya at tinakpan ang katawan niya.

"Siraulo!" Usal ko.

"Pero seryoso, pre. May gusto ka na ba?"

"Oo."

"Share naman."

"Saka na kapag nakuha ko na puso niya."

Kung makukuha mo, Caleb.

Makukuha ko ba?

Entries From Dale | ✔Where stories live. Discover now