Dear Horace,
Alam mo ba kanina, nagtry ako magmeditate. Grabe iyak ako nang iyak kasi bakit ganun? Sobrang bigat pala nung pain na nasa akin tapos sobrang naipon sa puso ko and boom! Biglang naging luha. Gusto kong sumigaw kanina pero hindi ko kaya. Humagulgol ako nang humagulgol. Grabe yung pagrerelease ko ng pain. For 20 years, ngayon lang ako nagmeditate.
Sa 20 years na yun, sobrang dami palang masasakit na nangyari sa akin. Na akala ko malakas na ako kasi hindi na ako umiiyak kasi paulit-ulit nalang yung sakit. Pero hindi pala. Lalo akong nagmumukhang mahina kasi nagpapanggap ako na malakas.
Ang dami kong iyak at sa bawat iyak, nababawasan yung sakit. Yung sakit na naipon ko sa 20 years na puro sakit lang karamihan ang nangyari.
Pero ngayon, wala na. Natuto na ako. Nagpatawad na ako. Masaya na ako.
Masaya na ako kasi finally, nawala lahat ng iniisip ko at at nararamdaman ko.
Nalimutan ko lahat ng galit ko sa lahat ng taong nanakit sa akin. Nalimutan ko lahat ng taong tinalikuran ako dahil hindi naman pala ako magiging parte ng buhay nila. Inalis ko yung galit sa mga taong walang ibang ginawa kundi saktan ang isang katulad ko na sanay ng masaktan.
Sana sa pag-alis ng sakit, hindi na naman ulit ako mawalan ng respeto sa sarili ko. Hindi na ulit sana ako maubos dahil sa kakabigay sa mga taong hindi naman ako deserve. Sana!
Try mo magmeditate ha? I recommend, proven and tested na maganda siyang gawin kapag sobrang sakit na o mabigat na yung nararamdaman mo.
Nakakapagod lang kasi puro inhale exhale tapos habang tumatagal lalong bumibigat kaya kailangan mong tanggalin yung bigat na yun.
Try mo rin para malaman ko rin na hindi ka malungkot
Paano ba yan, ito muna sa araw na ito. Bye, future asawa ko!
Nagmamahal sayo,
DALE
YOU ARE READING
Entries From Dale | ✔
FanficSa kagustuhan ni Dale na mapansin siya ni Horace gumawa siyang maraming-maraming sulat para sa binata. Ngunit nababasa ba talaga ni Horace lahat? O balewala lang lahat ang mga sulat ni Dale?