Nang mabasa ko lahat yun kahapon, hindi na ako iniwanan nung tatlo. Halos hindi rin ako makatulog. Ang dami ng nakakita ng mukha ko.
Pero yung inaasahan kong lalaki na magpapakalma sa akin, hindi pa rin nagpaparamdam.
Nag-uumpisa na naman mamuo ang inis ko sa lalaking yun. Kung hindi ko lang yun mahal baka naipagtabuyan ko na yun sa sobrang inis. Kung kailan kailangan ko siya, nawala naman siya.
"May interview daw si Horace ngayon. Ipapalabas maya-maya lang kaya let's wait." Biglang imik ni Kirsten kaya agad kong binuksan ang telebisyon at hindi ko maalis ang tingin ko rito.
"Siguro icoconfirm niya na totoo yung issue!" Masiglang sabi ng kaibigan ko na ikinangiti ko. Sana nga iconfirm niya. May tiwala ako kay Horace.
Wala pang ilang minuto, nababagot na ako kakahintay na ipalabas ang interview niya. Gusto ko makita kung paano niya ako ipagmalaki katulad nung ipakilala niya ang naging past girlfriends niya. Gustong-gusto ko rin ipagmalaki. Yung tipong mapapatiklop nalang ang bibig ng mga bashers at lulunukin din nila ang mga sinabi nila sa akin.
"Omg! Ayan na Dale!" Sabi ni Kirsten at lahat ng atensyon ko nasa telebisyon lang.
"Good evening, everyone! Tonight, we are having an interview with the most outstanding and most handsome actor, Horace Abad!"
Sinalubong siya ng malakas na palakpakan at ngumiti siya sa kamera na ikinangiti ko rin. Ilang linggo na rin kaming hindi nagkikita.
Ang gwapo niya pa rin.
"Good evening Horace!"
"Good evening Xyla."
"It's nice to see you again, Horace. How are you?"
"I'm good, Xyla."
"So let's start, are you ready?"
"I'm born ready, Xyla."
"So, yesterday, there's an issue about a picture with you and a girl. Netizens especially your fans assumed that the girl in the picture is your girlfriend, is that true?"
"It's okay if you are not ready to answer this question but this is for your fans. They need to know what is your relationship status."
"You know what, Xyla, that picture is taken in Cagayan Valley. But it doesn't mean that the girl in the picture is my girlfriend."
Bigla ata akong nabingi sa pahayag ni Horace. Ano raw? It doesn't mean na girlfriend niya ako? Seriously, Horace?!
"What the fuck?!" Usal ni Xiara.
"Siguro patayin nalang natin yung television, Dale." Hayag naman ni Kirsten na mabilis kong tinanggihan.
"H-hindi Kirsten, kailangan natin panoorin." Sabi ko. Hindi ko na naman mapigilan maiyak. Dahil sa inis at pati na rin sa lungkot.
"Oh. Narinig niyo yun mga sambayanang Pilipino? Hindi raw ito girlfriend ni Horace. So, Horace, if that girl is not your girlfriend, then who is she?"
"A friend. Yes, we look sweet in the picture but that's my friend. We talked about our friendship. And we are happy to see each other again. May kasama kami niyan. Hindi lang kaming dalawa ang nagba-bonding. She's like a little sister for me. Stop spreading fake news about the picture. You are making an issue."
"What can you say about the bashers?"
"Please respect the privacy of my friend. I know that she's crying right now because of the hurtful words you throw. Are y'all happy that you judged an innocent girl? Stop this nonsense. If anyone send some malicious comments about this issue and it affects to psychological health of my friend, ready your attorney and rot in jail, sweety."
"Wow. Just wow. Papayag ka ba na itanggi ka ni kuya Horace?" Tanong ni Xiara.
"Dale, kailangan mong kausapin si Horace. Hindi ko na rin alam kung anong iniisip nung pinsan ko." Sabi naman ni Caleb.
Tahimik lang ako rito. May sasakit pa ba na itanggi ka ng lalaking mahal mo? Akala ko kasi masaya na ako e. Ang sakit pala na itanggi 'no? Kailangan ka niyang itago. Syempre kahit sabihin mong okay lang, hindi talaga okay e. Kasi mahal mo at handa mo talaga ipagmalaki, itatanggi ka niya sa maraming tao?
Sasabihin niya na friends lang kami. Ang sweet ko namang friend kung ganun e. Grabe!
"Ang sweet kong friend. May pa rot in jail pa e. Alam niyo ha? Oo, nakakasakit yung ibang comments ng tao pero alam niyo yung nakaka-apekto sa psychological health ko? Yung sabihin niyang friend niya ako tapos nag-sideline pa ako as little sister. Ayos yun!" Sabi ko at sarkastiko akong tumawa.a
"Dale..." Hinawakan ako ni Kirsten sa balikat para siguro pakalmahin ako.
"Ano? Ayos nga e. Ginawa akong 3-in-1 ni loko. May girlfriend na, may friend na at may little sister pa! Aba, hindi siya lugi nun. May pa are y'all happy that you judged an innocent girl pa siyang nalalaman. Siya ba? Masaya ba siya na ituring niya lang akong kaibigan? Kalokohan!" Sigaw ko.
Hindi ko alam, pigil na pigil na ang galit ko. Yung galit ko na nagiging luha lang.
"May pa stop this nonsense pa siyang nalalaman e siya nga yung puro nonsense ang sinasabi. Punyeta! Siya kaya paghandaan ko ng attorney. Kung pwede lang kasuhan yung mga taong ganun, baka nakasuhan ko na si Horace ngayon palang."
"Please calm down, Dale. Sinasaktan mo lang sarili mo." Sabi ni Caleb.
"Caleb, may tanong ako, kapat ikaw nasa kalagayan ko, magagawa mo pa rin bang huminahon?"
"Oo. Mahinahon pa nga ako ngayon kahit sa loob ko galit na galit na ako. Mahinahon pa rin ako kasi kapag nagalit ako, baka kung ano lang magawa ko. Mas matindi pa ang pinagdaraanan ko, Dale. Huminahon ka lang."
Magsasalita pa sana ako nang may tumawag. Nice naman. Ang magaling kong kaibigan.
"Dale..."
"Oh! Hello my dear friend slash kuya! Ano? Masaya ba mainterview? Kasi ako naenjoy ko ang interview mo e."
"Dale tungkol sa interview..."
"Ayos lang naman akong itanggi, Horace. Ayos na ayos sa akin, my friend! Happy ka ba right now, ha? Ako kasi sobrang happy! Masaya pa lang itinatanggi." Alam kong may pagkasarkastiko pero galit ako ngayon.
"I'm sorry."
"Bakit ka nagso-sorry, my dear friend? Hindi pa naman nakaka-apekto sa psychological health ko. Huwag ka na mag-alala. Ayos na ayos ako. Huwag ka munang magsasalita. Patapusin mo muna ako, ha?
Bumuntong hininga muna ako at pinagpatuloy ang pagsasalita.
"Una, we are talking about our future not our friendship. Sobrang ganda naman pala ng friendship natin 'no? Pati sa future kasama yun. Iba ka talaga, friend."
"Pangalawa, hindi ako masaya na nagkita tayo ulit. Naghiwalay ba tayo ng matagal na panahon? Hoy! Masaya ako kasi kasama kita at mahal natin ang isa't isa."
"Pangatlo, fake news na pala ngayon ang totoong balita. Grabe naman yun. Eh kung sabihin ko rin kaya na fake news nung sinabi kong mahal kita?"
"Pang-apat, marahil umiiyak ako dahil sa mga masasakit na salita na galing sa iba pero hindi mo ba naisip na mas umiiyak ako sa sinabi mo sa interview? Hindi mo ba naisip yun?!"
"Panlima, mas nonsense ka e! Kung tutuusin mas walang sense yung sinabi mo kaysa doon sa fake news na sinasabi mo."
"Pinakahuli sa lahat, mas kailangan ko ata ihanda ang puso ko. Baka kasi bakuran ko na naman. Baka hindi ka na makapasok."
"Dale, please."
"Isang tanong nalang, Horace. Mahal mo ba talaga ako?"
YOU ARE READING
Entries From Dale | ✔
FanfictionSa kagustuhan ni Dale na mapansin siya ni Horace gumawa siyang maraming-maraming sulat para sa binata. Ngunit nababasa ba talaga ni Horace lahat? O balewala lang lahat ang mga sulat ni Dale?