Caleb's

22 3 0
                                    

Habang naandito sa may airport, nanginginig na ako. Ilang oras lang maaari ko na siyang makita. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag nakita ko siya. Kung uurong ba ang dila ko o kung ano. Basta ang alam ko makikita ko na siya.

"Uwi nalang kaya ako?" Tanong ko kay Horace habang nagrereply sa message ng manager niya.

"Sasakay na tayong eroplano tapos aatras ka pa? Ano bang kinakatakot mo?"

"Hindi ako sanay sa Manila pre. Sa Batanes lang ako sanay."

"Huwag kang mag-alala. Para kang bakla." Sa sinabi niyang yun, tumahimik nalang ako.


Hanggang sa makasakay kami ng eroplano at umaandar na, kinakabahan ako. Ilang beses na akong umiinom ng tubig pero hindi pa rin maalis ang tibok ng puso ko.

Bakla man kung titignan pero bahala na. Nakakakaba talaga. Yung taong mahal mo, makikita mo na, hindi ka ba kakabahan?

Itutulog ko nalang 'to. Tama. Itutulog ko nalang.

Kanina pa ako nakapikit pero wala pa rin!


Nakarating na nga lang kami sa Manila, kinakabahan pa rin ako.


Puta naman! Ano na, Caleb Thadeus Del Liano?!


"Dalian niyo, nandito mga fans mo, nag-aabang." Sabi ng manager ni Horace. At tama nga yubg manager, maraming nakaabang sakaniya. Kaya dali-dali kaming naglakad at para matakasan na rin ang media.


Kung kanina, kinakabahan ako, mas lalo na ngayon. Baka kung anong masabi ko kapag nakita ko siya.


"Dadaan muna tayo sa bahay nila Dale. Gusto ko na masabi ang mga gusto kong masabi." Sabi ni Horace.


Napabuntong hininga na ako. Kinakabahan na ako. Mabuti nalang traffic para makapag-isip ako. Pero kahit anong isip ko, hindi aoo makapagfocus.

Ilang sandali lang, nandito na kami. Sa tapat nila Gaia.


Puta puta puta! Anong gagawin ko?! Paano?

Hindi ako mapakali rito.

Nagdoorbell si Horace. Mula rito, rinig ko ang boses niya. Sobrang lakas pero hindi nakakasawang pakinggan.

"Sino yan? Wait lang po!"


Pagbukas niya ng pinto, mata niya lang ang nakita. Alam kong nagulat siya. Binagsak niya ng malakas ang pinto.

Pero kahit ganun, rinig ko pa rin ang tili niya. Napatawa tuloy ako.


"Hala! Wait lang! Makakapaghintay ba kayo? Mga 5 minutes lang. Saglit na saglit lang! Waaaaaaaaaaaaaaaah!!!"


Pero wala pang limang minuto, binuksan na niya. Nakapajama pa, nakayuko rin. Nahihiya ata.

"U-uh, tuloy po kayo." Sabi niya.


Pumasok kami. Maayos ang bahay. Akala ko ba may pamilya siya? Wala silang pictures together? Halos lahat pati ng kagamitan puro dark colors.


"A-ano pong sadya ninyo?" Sabi niya. Siguro naaalala niya yung mga pinagsasabi niya sa mga sulat niya.


"Relax, Dale." Sabi ni Horace. Napaangat siya ng tingin.

"Nabigla lang. So bakit kayo nandito?" Sabi niya ng may ngiti sa labi.


"I want to court you."

Entries From Dale | ✔Where stories live. Discover now