2 weeks simula nang dito na ako nag-aaral sa Manila. Naging irregular ako. Simula sa two weeks na yun, naging close na kami ni Gaia. Pero ang bukambibig niya lang? Si Horace.
"Ang gwapo talaga ng pinsan mo 'no?"
"Grabe yung pinsan mo! Grabe magpakilig!"
"May bagong project pinsan mo! Support mo rin ha?"
"Ang cuuuute talaga ng pinsan mo, Caleb. Ang ganda ng lahi niyo."At marami pang iba.
Pero ang kailangan ko nalang ay maitago itong nararamdaman kong selos at sakit. Magaling naman ako magtago e. Sobra.
O baka kasi manhid itong si Gaia. Masyadong nabulag sa pagmamahal para kay Horace. Paano ba ako makakapasok sa mundo niya?
Kung bibigyan ako ng isang araw para maging ibang tao? Pipiliin ko si Horace. Para kahit isang araw lang, maramdaman ni Gaia yung pagmamahal ko sakaniya. Kung bakit naman kasi si Caleb pa ako?
"Hoy! Lalim nang iniisip mo. Baka malunod ka ha?" Saka ko lang napansin na kasama ko nga pala si Gaia rito sa food court. Sabi ni Horace dalhin ko siya sa mamahaling restaurant kaso sabi ni Gaia sa food court nalang daw.
"Ano bang iniisip mo,Caleb?"
"Model na gagawin ko."
"Sus, pinoproblema mo yun? Madali lang yun. Easy ka lang!"
Manhid ka talaga, Gaia. Sobra.
"Pupuntahan ba natin sa set si Horace?"
"Hindi ko alam."
"Ha? Bakit hindi mo alam? Tara ha? Pupuntahan natin. May sasabihin lang kay Horace." Sabi niya sabay napahagikgik.
***
"Horace!" Masayang sigaw ni Gaia. Tuwang-tuwa siya. Yung nga ngiti sobrang ganda. Samantalang sa akin iba yung ngiti niya.
"Hi. Kumain ka na ba?" Bungad ni Horace. Para na naman akong hangin dito. Hindi nila ako pinapansin e.
"Yup! Sinamahan ako ni Caleb. Nakakaistorbo ba kami? Usap tayo saglit."
"Sure. Pre, diyan ka lang muna ha?" Tumango nalang ako. Wala e, labas na ako sa kwento nilang dalawa.
Pero hindi ko alam, sa paglayo nila, sinundan ko rin sila. Wala sa sariling nagtago at pinakinggan lahat ng pag-uusapan nila. Alam kong wala akong karapatan pero kailangan ko marinig lahat. Kinakabahan ako.
"Why?" Tanong ni Horace.
"Nililigawan mo talaga ako di'ba?"
"Yes."
"Akala ko talaga panaginip lang 'to. Kasi dati, imagination ko lang 'to e. Ngayon totoo na. Sobrang saya ko lang kasi hanggang ngayon yung panaginip ko, nagiging totoo. Buti nalang naglakas loob ako magbigay ng sulat sa'yo. Sabi ko kapag yung sulat ko hindi naging successful, titigil na ako. Pero ngayon, hindi ko na alam kung paano titigil. Wala na rin naman ako balak tumigil."
"Dale..."
"Shhh,patapusin mo ako. Sobrang laki nang pasasalamat ko kasi hanggang ngayon nasa tabi kita. Totoo ka. Hindi lang imagination 'to. Kung tutuusin, natatakot rin ako e. Natatakot ako na baka isang araw, magising ako sa katotohanan na isa ka pa rin imahinasyon. Inumpisahan ko na paano pa ako titigil? Mapapatigil mo ba 'tong nararamdaman ko, Horace? Kaya mo bang sabihin na, tama na. Kaya mo bang sabihin na huwag na kitang mahalin? Kaya mo ba?" Rinig ko ang paghina ng boses ni Gaia. Iiyak ba siya?
"Sinasagot na kita Horace. Ayaw na kitang pakawalan pa. Kasi sa oras na ito, mahal na mahal kita."
Hindi ko na hinintay kung anong magiging reaksyon ni Horace. Basta ang alam ko lang, masakit para sa akin. Kumbaga sa laro, lumalaban pa rin ako kahit alam ko nang dehado. Sinubukan ko kasi baka magbago. Sinubukan ko kasi baka maging maayos. Kaso hindi e. Lumaban ako para masaktan lang. Lumaban ako para makumbinsi ang sarili ko na sa umpisa ako pa rin ang dehado.
Tangina kasi. Magmamahal na nga lang ako, doon pa sa masasaktan ko ang sarili ko. Nagpaubaya na naman ako kahit pwede namang umamin agad.
Bumalik ako sa may set nila at uminom nang maraming tubig. Nakakabakla man pero gusto kong umiyak kaso hindi pwede. Wala naman akong karapatan e. Wala.
"Sorry ha? Napatagal." Sabi ni Gaia sa akin. Hindi ko kayang magresponse. Parang sasabog puso ko. Hawak nila ang kamay ng isa't isa. Ako dapat may hawak ng kamay mo, Gaia."May problema ba, Caleb?" Tanong ni Horace. Pati siya hindi ko masagot. Ako dapat diyan, Horace. Hindi ikaw.
Tangina, Caleb. Umayos ka.
"Caleb, kami na ni Horace!" Masayang banggit ni Gaia. Sobrang saya.
"Congrats! Masaya ako para sainyo."
Congrats.
YOU ARE READING
Entries From Dale | ✔
FanfictionSa kagustuhan ni Dale na mapansin siya ni Horace gumawa siyang maraming-maraming sulat para sa binata. Ngunit nababasa ba talaga ni Horace lahat? O balewala lang lahat ang mga sulat ni Dale?