Kabanata 1

2.9K 121 11
                                        

MAURICE

Bumungad kaagad sa akin ang puting kisame pagkabukas na pagkabukas ko palang ng aking mga mata. Medyo nanlalabo pa ang paningin ko pero ramdam ko ang presensya ng ilang tao sa kwartong kinaroroonan ko. Nakarinig din ako nang ilang ingay sa paligid ngunit napako lamang ang tingin ko sa kisame.

"Nay, gising na po si sleeping beauty!" rinig kong sigaw ng isang matinis na boses.

Mula sa kisame, napako ang paningin ko sa isang batang babae na bigla nalang sumampa sa kama para tingnan ako. Maikli lamang ang buhok nito kaya naman mas nadepina sa kanyang mukha ang matabang pisngi nito. Kitang-kita sa mukha niya ang kasiyahan habang matamang nakatingin sa akin. 

"Ano ka ba naman Neneng! Bumaba ka diyan sa kama," ani ng isang ginang at mahinang pinalo ang batang nasa harapan ko. Napadaing naman ang batang babae na nagngangalang Neneng at kaagad bumaba sa kama. 

"Dito ka lang, Neneng. Tatawag lang ako ng doctor."

"Opo."

Mabilis na tumakbo ang ginang palabas ng kwarto at iniwan sa tingin ko'y kanyang anak ang panlinis na gamit niya kanina bago pa man ako magising. Ilang sandali pa'y may isang doctor na pumasok sa silid kasama ang ilang nurse sa likuran nito.

"Nay, pakitawag po si Mr. Smith! Sabihin mong gising na ang pasyenteng isinugod niya kagabi," utos ng lalaking nurse sa ginang.

Mabilis namang tumango ang matanda bago inanyayahan ang kanyang anak na lumabas ng kwarto habang bitbit ang mga kagamitang panlinis.

Nasilaw kaagad ako nang may magtapat ng flashlight sa isang mata ko. Ilang saglit pa ay lumipat naman ang liwanag nito sa kabila kong mata bago iyon mawala. 

Lumingon ako sa babaeng abalang tinitingnan ang kalagayan ko. Nakasuot siya ng white coat at may nakasabit na stethoscope sa leeg niya. Katabi niya naman ang isa ring babae na naka-scrub at may hawak hawak na ballpen at sulatan.

Ilang saglit pa'y naramdaman ko ang isang malamig na bagay sa dibdib ko. Tinitingnan ng doktora kung maayos ba ang pagtibok ng puso ko. Ang ilang nurse naman na kanina'y nasa likuran nito'y may kanya-kanya nang ginagawa.

"How are you feeling?"

Imbes na sumagot ay nagtanong ako sa doktora kahit alam ko naman kung anong isasagot nito. "Sino ka? Nasa'n ako?" 

"I'm Dra. Sendria Smith," pakilala niya. "Nasa ospital ka ngayon," dugtong pa nito.

"May masakit ba sa'yo? Do you know what happened to you?" malumanay na tanong nito.

Mas lumapit sa'kin ang doctor nang hindi ako sumagot. Inalis niya ang stethoscope sa leeg niya at ginamit muli sa'kin. Nang makampante ay tumigil na siya at binalik sa leeg ang gamit niya.

"Pa'no po ako napunta dito? W-wala po akong pang-bayad ng bills."

Umiling sa'kin si Dra. Smith at ngumiti nang malawak. "Don't worry. May sumagot na ng bayarin mo. 'Wag mo na lang isipin 'yun."

Kaagad sumagi sa isipan ko ang huling taong nakita ko bago pa man ako mawalan ng malay. Sigurado rin akong siya ang nagbayad ng bayarin ko dito sa Ospital. Kung hindi dahil sa kanya ay tiyak na wala na ako ngayon.

The Odds Against Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon