Kabanata 11

1.7K 131 28
                                    

  MAURICE

Dumiretso talaga kaagad kami sa pinakamalapit na Cr dahil naramdaman kong masusuka ako pagkababa ng motor.
Sa kasamaang palad ay nasa Cr kami ng mga babae ngayon kaya napapatingin sa kanya ang mga gustong mag-Cr.
Pasalamat na nga lamang siya't halos bilang lang ang napasok sa loob. Matatanda pa minsan. Pero mukhang wala naman siyang pake.

Ramdam ko na may kung ano ang lalabas sa t'yan ko bago lumabas ang mga kinain ko. Suka lang ako ng suka dito sa sink dala na rin siguro ng hilo.

Mabuti na lang talaga't hawak-hawak ni Claude ang buhok ko gamit ang isa niyang kamay samantalang ang isa naman ay malumanay na hinihimas ang likod ko.

Nagka-motion sickness yata ako dahil sa pagkabigla sa mabilis na pagpapatakbo n'ya ng motor.

Bakit kasi biglaan ang pagpapatakbo niya. Hindi naman ako sanay sumakay ng ganu'n.

Kaagad naman akong nagmumumog ng medyo umayos na ang pakiramdam ko.

"Feeling better?" Tanong ni Claude habang pinupunasan ko ng panyo ang bibig ko.

Ngumiti naman ako sa kanya. "Ayos na naman. Salamat," pasasalamat ko dito.

Sinalubong ko ang tingin niya dahilan para kumabog ng mabilis ang dibdib ko.

Muli ko na namang nakita ang asul na asul niyang mga mata at ano mang oras ay malulunod yata ako. Kita ko ang namumuong emosyon sa mata niya pero kaagad yu'ng bumalik sa malamig na tingin nang  bumukas ang pinto ng isa sa mga cubicle.

Napaiwas na lamang ako nang tingin ng may isang matandang babae ang huminto sa gilid namin ni Claude. Binigyan niya kami ng isang boteng tubig galing sa luma niyang bag.

Inayos ko ang sarili ko dahil sa pagkakapahiya.

"Ay areh, o. Ipainom mo sa girlfriend mo, hijo, para medyo mahimasmasan. Naranasan ko din naman ang ganyang epekto kapag nagbubuntis," sabi niya kay Claude.

Napataas naman ang kilay ni Claude dahil sa sinabi ng matanda pero kaagad rin namang sumilay ang ngisi sa kanyang labi.

Ako naman ay nanlaki ang mata at pilit pino-proseso sa utak ang narinig. "P-po?"

"Hay, naku. Ineng. Alam kong nalilito ka pero gan'yang gan'yan din ako bago ko nalamang buntis ako. Tsk...Tsk..tsk.... Mga kabataan nga naman ngayon, nadadala agad sa tukso."

Natulala pa rin ako sa kanya at hindi alam ang sasabihin.

"Sigurado akong maganda ang dinadala mo. Sa ganda't gwapo ba naman ng magiging magulang, e. Basta, maipapayo ko lamang sa inyo, 'wag na 'wag niyong susubukang ipalaglag ang bata," mariin niyang pagkakasabi.

Sumulyap siya kay Claude bago bumalik ang tingin sa'kin.

"Mukhang responsable ka naman, hijo, kaya 'wag mong pababayaan ang magiging anak niyo, ha."

Napakurap-kurap naman ako. "L-lola, h-hindi po ako b-buntis."

"Ayy, naku! Gan'yan din ang sinabi ng apo ko pero ano? Ayun, buntis!" Kwento niya bigla kaya napatahimik ako.

"Huwag ka ng mag-dahilan, ineng. Tanggapin n'yo ang epekto ng pagkadala niyo sa tukso. Mukha namang magiging mabuting ama ang boyfriend mo."

The Odds Against Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon