MAURICE
Bumungad agad sa'kin ang puting kisame nang buksan ko ang aking mga mata. Natulala agad ako sa hindi ko malamang dahilan. Tanging ang naririnig ko lamang ay ang pagpatak ng tubig at tunog ng makina.
Pinikit kong muli ang mga mata at inalala ang panaginip ko pero kaagad ko iyong pinagsisihan nang manakit ang ulo ko.
Ano ba 'yung napanaginipan ko?
Sigurado akong may napanaginipan ako, e. 'Di ko lang talaga matandaan.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at umupo ng maayos sa kama. Isinandal ko ang likod sa headboard nito ng medyo makaramdam ng hilo.
"Gising ka na pala."
Napatingin ako sa gilid ko nang marinig ang pamilyar na boses. Medyo nasilaw pa ako dahil sa liwanag na nagmumula sa bukas na bintana.
Napakunot naman ako nang makita ang isang matandang babae na nasa mid 40s na hindi ko aakalaing makikita kong muli. Inabutan niya ako ng tubig na kaagad ko ring tinanggap at ininom.
Sobrang uhaw na uhaw ako.
Ilang buwan na ba kaming hindi nagkikita?
"Dra. Reyes? Bakit po kayo nandito? At t'yaka na'san po ako?" Taka kong tanong habang inilibot ang paligid.
Wala ako sa hospital pero may mga hospital equipment akong nakikita pati na rin mga gamit. Malaki ang buong kwarto na halos kasing laki ng kwarto ko dati pero mas malaki ito.
Nakahiga ako sa king size bed at 'di kalayuan sa kinaroroonan ko ay may malaking bookshelf na puro malalaking libro ang nakalagay. Halos ang kulay ng kwarto ay pinaghalong black at white. Bukas lahat ng bintana pati na rin ang pinto sa balkonahe ng kwarto kaya kitang-kita ko ang kabuuan nito ngayon. Sobrang linis ng buong silid at malaki.
But, where am I? Kaninong kwarto 'to? At bakit ako nandito? Bakit may ilang aparatong nakakabit sa'kin. Naaksidente ba ako?
Bakit wala akong maalala?
Pamilyar ang amoy ng kamang hinihigaan ko. Sigurado akong lalaki ang may ari ng kwartong ito dahil sa panglalaking amoy na pumapalibot sa buong silid bukod sa mga amoy ng mga gamot.
"Nasa Valkyrie tayo ngayon," sagot ni Dra. Reyes habang may ginagawang kung ano habang nakatalikod sa'kin.
Nagulat naman ako. Valkyrie? Bakit ako nasa subdivision na 'to?
Ang Valkyrie kasi ay ang pinakasikat, pinakamaganda at pinakamahal na subdivision sa lugar namin. Pagmamay-ari ito ng mga Valkyrie na isa sa mga makapangyarihang pamilya.
Nakita ko na ang pamilyang iyon nu'ng naisama ako dati ng mga tumayong magulang ko ng magdiwang doon dati ng birthday ang bunsong lalaki ng mga Valkyrie.
Ang mga nakatira lang dito ay mga makapangyarihang tao. Bilang lang mga taong nakatira dito dahil sa sobrang mahal ng dapat bayaran. Sa subdivision pa nga lang namin ay mahal na, dito pa kaya. Hindi basta-basta nakakapasok dito dahil sa taas ng seguridad nila. Napaka-high tech kasi ng technology nila dito.
Pangarap lang namin ni Jane na makapagpatayo ng bahay dito. Tapos ngayon nandito ako at nakahiga sa isang mamahaling kama?
"Bakit po ako nandito?"
BINABASA MO ANG
The Odds Against Us
ActionWhen an unexpected man in a black mask appeared in front of her door and introduced himself as the grim reaper intent on ending her life, mystery and secrets about herself began to unravel.
