MAURICE
Mabilis akong tumakbo pababa ng apartment na tinutuluyan ko habang bitbit ang project na ginawa ko para sa project na pinapagawa ni Mr. Arkham sa MMW class namin. Nagmadali pa akong tapusin ito kagabi. Kung hindi ko lang natanong si Briece tungkol sa mga lesson ay wala akong maipapasa ngayon.
Absent kasi ako, e.
Panay rin ang tanong niya sa'kin kung bakit hindi ako pumasok pero nagsinungaling nalang ako sa kanya.
Hindi ko pa alam kung paano magsinungaling dahil pinuntahan niya pala ako sa apartment pero wala ako kaya hindi ko pwedeng sabihin na may sakit ako.
Mabuti na lang at magaling mag-alibi si Jane.
Pupunta pa lang sana ako sa sakayan ng jeep nang madatnan ko paglabas ng building si Daniel. Nakasandal siya sa kanyang kotse habang kinakalikot ang cellphone niya. Katabi naman niya si Jane na dinadaldal ito.
"Daniel! Jane!" Tawag pansin ko sa mga ito at lumapit sa kanila.
Kaagad namang tinago ni Daniel ang kanyang cellphone sa bulsa ng pants niya.
"Ngayon ka na pala magta-tranfer," gulat na sabi ko nang makitang naka-uniporme na rin nang pang S.I.S si Jane.
Akala ko kasi ay third week pa siya papasok.
"Oo, thanks sa mga gwapo mong prinsipe, " aniya at kumindat sa'kin.
Namula naman agad ako sa sinabi niya.
Kung ano-ano talaga ang pinagsasabi nito.
"Prinsipe? Hoy Ja - ne, ako lang ang prinsipe nito, noh," singit ni Daniel sa usapan at kaagad akong inakbayan.
Hinampas naman siya ni Jane sa braso dahilan para dumaing ito.
"Prinsipe ba kamo? E , wala ka pa sa kalingkingan ng kagwapuhan ng mga iyon," sabat ni Jane.
"Gwapo ako, noh. Magkalahi kaya kami ni Darill. "
"Kalahi ka lang niya, 'di kamukha kaya tigil-tigilan mo nga kami sa kahanginan mo!" Pangangasar nito sa katabi ko.
"'Wag mo nga akong patawanin. May crush ka lang sa'kin, e," balik na pangangasar nj Daniel kay Jane at tumawa ng malakas.
Kita ko naman ang pag-iwas ni Jane dito at namula ang buong mukha.
Kahit hindi naman niya sabihin, alam kong may gusto talaga siya kay Daniel, e. Pero ito namang lalaking 'to hindi napapansin ang pagtingin ng kaibigan ko sa kanya.
"Hindi noh! Assumerong frog ka! Hindi ako magkakagusto sa'yong playboy ka!" Tanggi ni Jane.
"Alam ko. Nag-jojoke lang ako. Napaka-defensive mo naman," natatawang biro ni Daniel na lalong mas ikinapula ng mukha ni Jane.
Napangiti na lang ako at napailing.
"Bakit nga pala kayo nandito?" Tanong ko.
"Syempre sinusundo ka. O, mahal na prinsesa. Pasok na."
Kaagad binuksan ni Daniel ang pinto ng backseat ng kotse at iminuwestra ang kamay para papasukin ako.

BINABASA MO ANG
The Odds Against Us
AkcjaWhen an unexpected man in a black mask appeared in front of her door and introduced himself as the grim reaper intent on ending her life, mystery and secrets about herself began to unravel.