MAURICE
Ngayong araw na ang pagpasok ko sa S.I.S. Sobra ang kaba at saya ko ngayon dahil sa wakas ay makakapasok na ulit ako. Natatakot lang ako dahil wala akong kasama sa first day ko. Iba naman kasi ang program ni Daniel dahil BS Civil Engineering siya, BS Nursing naman ako.
Matagal pa bago sumunod sa'kin si Jane dito sa S.I.S. Binigyan rin kasi siya ng scholarship ni Tita Stella, ang kaso lamang ay tulad ni Daniel ang program niya kaya hindi ko rin siya masyadong makakasama.
"Tranferee ka?" tanong ni Manong Guard. Tumango naman ako sa kanya at ngumiti.
"Opo. "
Binigay ko kay Manong Guard ang I.D ko. Kinuha naman niya iyon sa'kin at ini-swipe sa isang hologram. Kaagad naman n'ya iyong binalik sa'kin at nginitian ako.
"Welcome to Salford International School."
"Salamat po."
Ngumiti ako nang matamis kay Manong guard bago pumasok sa gate.
Namangha ako nang makapasok sa loob. 'Di tulad ng dati kong school, ang S.I.S ay maraming nagtataasang building. Halos naging parke na ang field ng unibersidad dahil sa sobrang lawak nito. May fountain pa sa gitna at ilang upuan malapit dito. May ilang estudyante na nakaupo sa mga bench at nag-tatawanan.
Nilibot ko ang paningin at napangiti.
"Ang ganda," ani ko.
Nawala ang aking pagmumuni-muni nang biglang umingay ang buong paligid. Maraming babae ang nagsitakbuhan papalapit sa'kin kaya nanlaki ang mga mata ko. Sumisigaw sila na alam kong rinig na rinig hanggang labasan.
"Aray!" daing ko nang may mga nakabangga sa'kin.
Hindi man lang sila humingi ng tawad at nagpatuloy lamang sa pagsigaw.
Sa totoo lang, naririndi na 'ko.
Napabuntong-hininga na lamang ako at inayos ang sarili. Hindi pa rin humuhupa ang sigawan at lalo pa nga yatang nadagdagan dahil mas lalong dumami ang tao sa harapan ng gate.
Sino ba kasing sinisigawan nila du'n?
"Ms. Sillera."
Napatingin ako sa'king unahan nang marinig ang pangalan ko.
Nakita ko ang isang babae na nasa mid-20s na naka-gray skirt at teacher attire. Maikli lamang ang kanyang buhok at medyo may kapayatan. May nakapaskil din na isang matamis na ngiti sa kanyang labi na nagpadagdag sa aura niyang mukhang mabait.
Yumuko naman ako sa kanya at ngumiti ng bahagya.
"I'm Ms. Franco, one of the administrators of this school," pakilala niya.
Napaisip naman ako. Ganito ba talaga kapag elite school? Masyadong may special treatment sa mga transferee or scholar? Nakakahiya naman at siya pa ang pumunta sa'kin.
Napatingin kaagad ako sa aking likuran ng mas lalong lumakas ang sigawan.
Nakita ko ang pagkahawi ng grupo ng mga babae sa dalawa bago sunod-sunod na nagsidatingan ang limang magagarbong sasakyan.
BINABASA MO ANG
The Odds Against Us
ActionWhen an unexpected man in a black mask appeared in front of her door and introduced himself as the grim reaper intent on ending her life, mystery and secrets about herself began to unravel.