MAURICE
Nakatitig lamang ako sa gwapong mukha ni Prince Lexian habang siya naman ay may nakakalokong tingin habang may nakapaskil na ngisi sa kanyang mapulang labi. Ang kanyang may kalaguang buhok ay hinahagin tulad ng kanyang piercing sa kabilang tenga.
Mukha talaga siyang badboy sa itsura niya ngayon.
Nakabuka ng kaunti ang aking labi dahil sa gulat nang makitang nasa harapan ko siya ngayon.
'Di lang malapit kun'di malapit na malapit.
"P-Prince L-Lexian," utal kong banggit sa kanyang pangalan at hinawakan ang pisnging hinalikan niya.
Lumayo siya sa'kin at umayos ng tayo. Inilagay niya ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon at lalong tumitig sa mga mata ko.
Para tuloy inaakit niya ako lalo pa nu'ng kinagat niya ang pang-ibabang labi niya.
Namula naman ako at umiwas ng tingin. Hindi na ako magtataka kung pinag-kakaguluhan siya ng mga babae kahit na masama ang ugali niya.
Talaga naman kasing napaka-gwapo niyang lalaki.
Bumaba ang tingin niya sa I.D ko bago binalik ang tingin sa'kin.
Ngumisi siya. "Maurice," bulong niya na tama lang sa pandinig ko.
"B-Bakit n'yo po ako hinalikan sa pisngi?" Lakas loob kong tanong sa kanya.
Napahawak naman ako nang mahigpit sa aking bag nang marinig ang kanyang tawa.
Anong nakakatawa?
"I'm sorry for kissing your cheeks. Na-dare lang ako," paliwanag niya.
"Ah."
Tumango ako.
"Sige po... Naiintindihan ko, Prince Lexian," nakangiting dugtong ko bago lumapit sa kanya dahil masyado siyang malayo.
Kita ko ang pag-pula ng kanyang dalawang tenga at pag-ayos niya ng postura nang lumapit ako sa kanya. Pero hindi pa rin nawawala ang kanyang aura.
"B-Bakit ka lumalapit sa'kin?" Halatang may kabang tanong niya.
Iba ba ang iniisip niya sa paglapit ko? Nakakalungkot naman kung ganu'n.
"Gusto ko lang pong mag-pakilala ng maayos. Sorry po at lumapit ako," malungkot kong paliwanag sa kanya.
Kita ko ang pagkadismaya niya nang marinig ang paliwanag ko.
Huminga ako ng malalim at binalik ang matamis na ngiti. Hindi maganda na palaging malungkot.
"Ako nga po pala si Maurice," pakilala ko.
"Alam ko na 'yan," masungit niyang tugon sa'kin.
Bakit naging masungit na siya? Wala naman akong ginagawang masama, ah.
"Sorry po," hinging paumanhin ko dito.
Tumingin ako sa'king relo at napag-alamang ilang minuto na pala ang lumipas. Muli kong tiningnan si Prince Lexian na nakatayo pa rin sa harapan ko.
"Sige po. Alis na po ako," paalam ko dito at tumalikod na sa kanya.
Kaagad naman niyang hinawakan ang aking pulsuhan para patigilin ako sa akmang paglakad. Napatingin tuloy ulit ako sa kanya.
"Sabay na 'ko sa'yo," anya at hinila ako bago mag-umpisang maglakad.
Patakbo-lakad tuloy ang aking paa dahil sa laki ng hakbang niya.
Wala ni isa sa'min ang nagsasalita habang patungo kami sa main gate. Ramdam ko ang pagsulyap-sulyap niya sa'kin kaya nilingon ko siya. Nakatingala ako sa kanya dahil sa tangkad niya.

BINABASA MO ANG
The Odds Against Us
ActionWhen an unexpected man in a black mask appeared in front of her door and introduced himself as the grim reaper intent on ending her life, mystery and secrets about herself began to unravel.