MAURICE
"Saan ka galing?"
Umupo si Shai sa tabi namin ni Briece at nakinig sa speaker na nasa stage. Mabuti na lang talaga't napag-reserved pa namin siya ng upuan. Ang dami din kasing estudyante dito sa gymnasium.
"May kinuha lang ako sa locker ko." Inilabas niya ang pagkaing nasa loob ng bag niya.
"Alam ko kasi na magtataggal tayo dito kaya nagpuslit na ako ng pagkain." Humagikhik siya at binuksan ang isang piattos.
Napailing na lang kami ni Briece at nakinig na lang sa unahan.
"And also, we are expecting some visitors kaya dapat maging madisiplina tayo. Bawal ang plastic bottles sa loob ng school premises and as much as possible magkaroon tayo ng trash bin sa bawat booth na gagawin para wala tayong makitang pakalat kalat na mga basura."
Nagpatuloy pang magsalita ang speaker sa unahan. Madami pa siyang sinabing mga do's and don'ts sa anniversary ng university.
Mayroon kasi kami ngayong meeting para sa gaganaping 50th anniversary ng S.I.S next month.
Dati pang na-meeting ang 3rd at 4th year kaya puro 1st and 2nd year lang ang nandito sa gymnasium. Ang anniversary pala ng university and dahilan kaya pinatawag sila noon dito. Ngayon ay naiintindihan na namin.
Maraming announcement ang sinabi sa amin. May mga pa-contests daw sila at mga booths.
Mayroon din daw mga visitors na bibisita sa university, especially 'yung mga businessman na may scholar dito sa S.I.S. Sure na kasama doon sina Tita Stella dahil isa sila sa mga may kumpanya na nagpapaaral sa libo-libong mga kabataan.
Na-mention pa 'yung pagre-reveal daw sa new version ng magazine ng school kaya naman mas lalong umingay ang buong gymnasium. Excited na daw silang makita ang magazine.
Nakakahiya nga't na-mention pa ang pangalan ko lalo pa ng mapatingin halos sa akin lahat ng mga estudyanteng malapit sa aming kinauupuan.
Gusto ko na lang tuloy lumubog sa kinauupuan ko dahil sa kahihiyan.
"Maghanda ka na, Maurice." Tinaasan ako ng dalawang kilay ni Shai na parang inaasar ako.
Namula naman ang mukha ko ng mapagtanto ang sinasabi niya.
"Shai, 'wag kang ganiyan. Nahihiya na nga si, Maurice, o." Tumawa si Briece.
Napanguso na lang ako.
"Ano kaya ang theme ng magazine? 'Yung sa Resale kasi, ang ganda nu'ng kanila. Sana mahigitan na'tin."
Pinalo naman ni Shai si Briece dahil sa sinabi nito.
Nakita ko na 'yung magazine ng Resale dahil kay Kuya Raven. Nadala niya kasi dati sa coffee shop 'yung bigay na magazine sa kanila. Masasabi kong maganda talaga ang kanilang magazine
"Beh, mga princes na 'yun, ha... 'wag ako. Talong-talo na ang Resale, itsura pa lang ng mga models. Isama mo pa si Maurice. Naku, wala na... tapos na agad ang laban."
Nagtawanan naman silang dalawa.
Mga alas-kwatro na ng hapon natapos ang meeting. Halos three hours din ang tinagal namin do'n.
Mabuti na lang talaga't nagdala ng pagkain si Shai. Nakakagutom kasi ang antok... 'Di na nga namin naintindihan ang ibang pinagsasabi sa unahan.
"Bye!"
"Bye, Bye! Muah... Muah... Ingatz!"
Nagpaalam na sa akin sina Briece at Shai. May date kasi sina Briece at Neron ngayon. Si Shai naman ay sinundo ng kapatid niya dahil may dadaluhan daw silang dinner party mamayang gabi.
BINABASA MO ANG
The Odds Against Us
ActionWhen an unexpected man in a black mask appeared in front of her door and introduced himself as the grim reaper intent on ending her life, mystery and secrets about herself began to unravel.
