MAURICE
"C'mon, we need to follow him."
Hinigit njya ako patakbo papunta sa direksyong pinuntahan ni Atty. Delfran, pero kaagad rin akong huminto na ikinatigil niya.
"Why do we need to follow him? Is there something wrong?" Takang tanong ko.
Lumingon muna siya sa papalayong pigura ni Attorney Delfran bago umiling na parang nagkamali siya sa kanyang iniisip.
"No. He can't be one of them," bulong niya na tama lang sa pandinig ko.
"What do you mean?" Naguguluhan kong tanong.
Kaagad naman itong napailing bago kinalas ang pagkakahawak sa pulsuhan ko.
"Namalikmata lang siguro ako," aniya bago ako nilagpasan.
Napakurap-kurap naman ako ng mata sa kalituhan. Is she hiding something? Bakit pakiramdam ko, may nalalaman siya na hindi ko alam. Parang may tinatago siya.
Ngayon ko lang siya nakilala pero alam ko na masikreto siyang tao.
Natauhan naman ako ng biglang may matinis na tunog ang umalingawngaw sa buong hallway na sigurado akong naggaling sa speaker. Bumungad sa pandinig namin ang boses ng isang babae.
"To all 4th year student, please proceed to the gymnasium. Again, To all 4th year student, please proceed to the gymnasium. Thank you."
Hindi ko binigyang pansin ang naging announcement. Patakbo kong sinundan si Claudette na hindi nalalayo ang agwat sa'kin.
Iiwanan niya pa ako, e.
"Akala ko pupunta tayo sa Coach na sinasabi mo? Bakit tayo papunta sa classroom?" Muli kong tanong sa kanya ng mapansing papunta sa classroom namin ang tinatahak na direksyon.
"I'm not in the mood to talk to him. Sumakit bigla ang ulo ko," may kalamigan niyang sagot nang hindi man lang humapyaw ng kahit katiting na sulyap sa'kin.
Dahil ba sa pagkakamali niya kanina? O may iba pa?
"Masakit ulo mo? Dapat pumunta ka muna sa clinic ngayon. Humingi ka muna ng gamot para kahit pa-paano ay maibsan ang sakit," nag-aalala kong suhestyon.
Napahinto naman kaagad siya sa sinabi ko at biglang napahinto. Hindi pa rin s'ya tumitingin sa'kin.
"I'm fine. Thank you for your concern," aniya na ngayo'y hindi nababahidan ng lamig.
"Are you sure?"
"Yeah, uuwi na lang ako."
Napatingin kaagad kaming dalawa sa malapit na speaker ng muli na naman itong lumikha ng matinis na tunog bago magsalita muli ang babaeng announcer.
"To all 3rd year students, please proceed to the gymnasium. Again, To all 3rd year student, please proceed to the gymnasium."
Muling nanahimik ang buong hallway ng matapos na ang announcement. Kahit ang ilang estudyante na nakakasalubong namin ay nagtataka dahil sa naging announcement.
BINABASA MO ANG
The Odds Against Us
ActionWhen an unexpected man in a black mask appeared in front of her door and introduced himself as the grim reaper intent on ending her life, mystery and secrets about herself began to unravel.