Kabanata 12

1.6K 123 12
                                    

A/N: This story contains harmful words, violence, and disturbing content that may affect mental health.

••••

WEYNE

"Sigurado ba kayong ayos lang na iwan natin si Princess doon?" Nag-aalalang tanong ni Xian habang naglalakad kami sa madilim na pasilyo kung saan kami dinala ng mga Silician na'to.

Nasa Underground kami ng Hotel.

Hotel De Franciasca, the main arena of gangfights. Hindi mo mahahalata na dito nagaganap ang pinakamalaking illegal gangfights arena dahil sa eleganteng itsura nito sa taas. Malalaman mo lang kung bababa ka sa pinaka-underground, which is kung na'san kami.

"May pinapunta na 'kong magbabantay sa kanya kaya 'wag kang mag-alala." Sagot ni Sent habang may nakapaskil na seryosong mukha habang nakatingin ng masama sa mga taong nasa unahan namin.

"I'll kill them after this," bulong niya na tama lang sa pandinig ko.

Kung hindi ko lang siya kagaya ay kikilabutan na ako dahil sa tono ng boses niya. Wala na ang mabait at makulit na Sentrid Smith dahil napalitan na ngayon ito ng demonyo na tinatago niya sa marami.

I don't blame him. Galit siya sa mga Silician dahil pinatay nito ang nakababatang kapatid nila ni Ate Send.

Tumingin ako sa mga Silician na seryosong naglalakad sa unahan namin. Mayroon na silang suot na maskara simbolo na isa silang Silician. Ang isa ay nakasuot ng black mask at ang natira ay puti na.

Ibig sabihin nito ay misyon ang mga batang ito sa Hellbound.

Pero ano nga ba 'yun?

Ang mga Silician ay mga estudyante sa isang tagong University na binuo ng mga Mafia Organization. I forgot the school name dahil bata pa lang naman kami ni Claude ng pumasok kami d'on. Ang tanda ko lang ay hindi makakaalis ang mga estudyante d'on kung hindi nila natagumpayan ang misyong binibigay sa kanila ng nakakataas.

Tanging kami lang ni Claude ang nakakaalam kung saan ang eskwelahan na 'yun sa'ming anim dahil nga naging estudyante na kami doon nu'ng mga bata pa kami.

Hindi naman kasi talaga kami magkakaibigan dati.

Si Claude lang talaga ang nakasama ko simula pagkabata at si Avi.

"I'm worried. Paano kung tama si Xian? Alam n'yo naman ang lugar na 'to," segunda ni Darill habang patingin-tingin sa cellphone niya.

Tutunog kasi 'yun kung pindutin man ni Maurice ang relong binigay niya dito.

I'm worried as hell too.

Sino ba naman ang may gustong mapahamak ang isang anghel na tulad niya?

'Di ko alam pero ang gaan na kaagad ng loob ko sa kanya simula nu'ng una ko siyang makita sa Coffee Shop. Her presence was really familiar to me.

Ang lugar na 'to ay para sa mga demonyo lang. Nakakapagtaka talagang dito siya dinala ni Claude.

What's with him?

Kung makita man niya ang lugar na 'to, sure akong mapapalitan ng takot at pangamba ang maganda at inosente niyang mukha. Her smell was so sweet and intoxicating. Ayaw kong mapalitan iyon ng baho ng mga sigarilyo kapag talaga nakapunta siya dito.

The Odds Against Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon