MAURICE
Bulong- bulungan ang bumati sa'kin pagkapasok ko pa lamang sa loob ng eskwelahan. Bawat madaanan ko'y iisa lamang ang bukambibig ng mga estudyante.
Ang pagdating ng huling prinsipe.
Hindi ko kilala ang pinag-uusapan nila pero sa tingin ko'y big deal para sa kanila ang pagdating nito. Ano bang meron sa prinsipeng iyon at kung maka-react ang mga estudyante ay parang artista ang dadating?
Iba naman sa mga estudyante ang laman ng isip ko.
Palaging pinapaalala sa'kin ng aking isip ang nangyari kagabi at sa gwapong lalaking nag-ligtas sa'kin.
Makikita ko pa kaya siya?
Ang tanging alam ko lang sa lalaking iyon ay ang pangalan niya. Kung magkikita man kami ay gusto kong magpasalamat sa pagligtas niya sa'kin mula kay Grim Reaper.
Claude.
Wala sa sariling napangiti ako sa 'di ko malamang dahilan.
Pamilyar sa'kin ang pangalan ngunit hindi ko maalala kung saan ko narinig ang pangalang iyon. Marami naman kasing tao ang may pangalang Claude.
"Ms. Sillera?"
Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ang tawag sa'kin.
Nakita ko si Ms. Franco na tulad pa rin kahapon ay may nakapaskil na ngiti sa labi. Marami siyang bitbit na mga puting folder na sa tingin ko'y dadalhin niya sa faculty room.
Ngumiti ako ng matamis sa kanya. "Bakit po?" Tanong ko na may malamyos na boses.
Inayos niya ang pagkakadala ng bitbit niya bago sagutin ang tanong ko.
"May kailangan lang akong sabihin sayo. Please, follow me," aniya bago naunang maglakad.
Napakunot ang noo ko sa pagtataka. Ano naman kaya ang sasabihin niya?
Sumunod lamang ako sa kanya hanggang makadating kami sa harapan ng Faculty Room. Pumasok kami at bumungad sa'kin ang ilang teacher na may iba't ibang ginagawa.
'Di tulad ng nasa Administration Office, higit na mas madami ang teacher dito at staff.
Naagaw ng atensyon ko ang dalawang taong nagtatalo sa gilid ng faculty room. Padabog kasing ibinagsak ng isang lalaking eatudyante ang makapal na libro sa desk ng lalaking teacher na masama ang tingin dito.
"I've already told you! I'm not a cheater! Hindi ko nga kinuha 'tong lintek na librong 'to! I just saw it on my desk!" sigaw ng pamilyar na lalaki.
Napapatingin tuloy sa kanila ang iba.
"I never said that you were a cheater, Mr. Devilla... I'm just asking you. Bakit ang sabi ng nakasaksi ay hawak hawak mo daw 'tong libro ko habang ng exam tayo kahapon?" Mahinahong sagot dito ng lalaking guro.
Mas lalo yatang nag-init ang ulo niya. "You, freaking old man! Sino ba 'yang nakasaksing 'yan at babaliin ko ng buto?!" Asik ni Kuya Xian.
Nawala lamang ang atensyon ko sa dalawa ng may kamay na humawak sa balikat ko.
"Don't mind them," ani ni Ms.Franco.

BINABASA MO ANG
The Odds Against Us
AcciónWhen an unexpected man in a black mask appeared in front of her door and introduced himself as the grim reaper intent on ending her life, mystery and secrets about herself began to unravel.