Kabanata 2

2.1K 127 10
                                        

A\N: This story contains harmful words, violence, and disturbing content that may affect mental health.

●●●●

MAURICE

Pabalang na inihagis ako ni Tita Helena sa sahig ng bahay namin. Rinig na rinig ang malakas na tunog nang tumama ang katawan ko sa marmol. Napadaing ako sa sakit ngunit tiniis kong hindi magsalita habang dinadama ang sakit ng pagkakabagsak ko. Mabuti na lamang at hindi bumukas ang tahi ko. 

Lahat ng kasambahay na nakasaksi ay nagulat dahil sa ginawa ni Tita Helena.

Kahit paulit-ulit na nilang nakikita ang ganitong sitwasyon ay hindi pa rin sila nasasanay.

"Anong nangyari sa mansyon ko? Anong ginawa mo, ha?" malakas na sigaw nito.

Hindi ako sumagot sa tanong niya. Nakatulala lang ako sa marmol na sahig at hindi alam kung anong gagawin sa ganitong sitwasyon. Natatakot akong magsalita sa harap niya.

Ayaw kong salubungin ang nag-aapoy niyang mata sa galit.

"Sumagot ka kapag tinatanong kita!"

Nagbagsakan lahat ng luha ko nang higitin niya nang malakas ang buhok ko. Nanatili lang akong nakaupo sa sahig at hinayaan siyang gawin lahat ng gusto niya. 

"Tanginang bata ka! Lahat ng mamahaling gamit, nasira! Anong ginawa mo, ha? For fucking sake! Umalis lang ako tapos ito na bumungad sa'kin."

Pinakita niya sa akin ang buong mansyon na parang dinaanan ng bagyo dahil sa sira at basag na gamit.

"T-tita, may-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang itulak na naman niya ako sa sahig.

Pinunasan ko ang luha ko gamit ang likod ng palad ko. Mas lalo akong naiyak ng hampasin niya ako ng walis na kinuha niya sa kasambahay.

Rinig ang malakas na paghampas niya sa hita ko. Parang namanhid na yata ang pakiramdam ko dahil sa lakas nu'n. Pulang-pula na ito ngayon at t'yak akong mamamasa.

"Ano, ha? Anong magagawa mo sa mga mamahaling bagay na nasira mo? Alam mo bang mas mahalaga pa 'yan sa buhay mo?" Singhal nito at pinaghahampas ulit ako ng walis na hawak niya.

"Wala ka talagang kwenta kahit kailan! Nilagasan mo pa ako ng pera para sa lintek na pag-oopera na 'yan. Puro kamalasan na lang ang dala mo! Lintek ka!"

Napapikit ako nang mariin nang itinaas niyang muli ang walis para hampasin na naman ako.

"Ma, tama na. Baka kung ano pang mangyari sayo."

Napamulat ako at nakahinga nang maluwag nang makita si Ate Beatrice sa harapan ko. Nakasuot pa rin siya ng S.I.S uniform kaya sigurado akong kakarating lang niya.

"Stop meddling with this, Beatrice. Hayaan mo akong parusahan ang lintek na ampon na 'to! Wala nang ibang ginawa kundi ang pasakitin ang ulo ko!" Asik niya.

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya.

"A-ano pong sinabi n'yo?" Mali naman ako nang pagkakarinig 'di ba?

Napunta sa'kin ang atensyon ng mag-ina dahil sa tanong ko. Kita ko ang pagsilay ng isang ngisi sa labi ni Tita Helena.

Tumawa siya nang pagak. "Ay! Hindi mo ba alam? Ampon ka lang nina Enrique dahil hindi naman magkaanak ang cheap niyang asawa. Inampon ka lang nila. 'Di ka tunay na Sillera," nakangising paliwanag nito.

The Odds Against Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon